Pahayag sa pinalisasyon ng pinag-isang paglalagda ng tagagamit
This page is kept for historical interest. Any policies mentioned may be obsolete. If you want to revive the topic, you can use the talk page or start a discussion on the community forum. |
Ang koponan ng mga tagapagpaunlad (developer team) sa Pundasyong Wikimedia ay gumagawa ng ilang mga pagbabago sa kung paano gumagana ang mga kuwenta, bilang bahagi sa aming tuluyang pagsisikap na bigyan ng mga makabago at mas pinabuting kagamitan para sa aming mga tagagamit (tulad ng mga babalang cross-wiki). Nangangahulugan ang mga pagbabagong ito na magiging pareho sa lahat ng lugar ang bansag ng isang tagagamit. Pinapahintulutan nitong bigyan namin kayo ng mga bagong kagamitan na makatutulong sa inyong pumatnugot at makipag-usap nang mas mabuti, at pinapahintulutan din nitong gawing mas maangkop ang mga pahintulot ng tagagamit para sa mga kagamitan. Isa sa mga kinakailangan para sa ito ay dapat katangi-tangi na ang lahat ng mga kuwenta ng tagagamit sa mahigit 900 wiki ng Wikimedia.
Sa kasamaang-palad, may mga account names na may kapareho na sa ibang lugar sa ating wiki, at nagiging gulo sa ibang may kaparehong pangalan. Para matiyak na ang mga users na ito ay makagagamit ng wiki ng Wikimedia sa darating na panahon, papalitan natin ng pangalan ang karamihan sa mga ito upang magkaroon ng "~
" at ang pangalan ng kanilang wiki ay idudugtong sa kanilang account's name. Ang petsa para isakatuparan ito ay hindi pa natitiyak. Halimbawa, ang user na may pangalang "Example" sa Swedish Wiktionary na papalitan ng pangalan ay magiging "Example~svwiktionary".
Lahat ng mga kuwenta ay gagana pa rin katulad noon, at magpapatuloy na may kredito para sa lahat ng kanilang nagawang mga pagbabago. Gayunman, ang mga tagagamit na napalitan ang bansag (kung kanino, makikipag-ugnayan kami sa isa't isa) ay kakailanganing gumamit ng bagong bansag tuwing lalagda.
Ngayon ay magiging posible na para sa lahat ng mga kuwenta na mapalitan ng pangalan sa buong mundo; hindi na gagana ang kagamitang RenameUser sa lokal na batayan - dahil sa ang lahat ng mga kuwenta ay dapat maging katangi-tangi sa lahat - samakatuwid, ito ay babawiin mula sa mga kagamitan ng mga burokrata. Kapag nangyari ito, magiging posible pa rin para sa mga tagagamit na humiling na mabago ulit ang kanilang bansag dito sa Meta, kung hindi nila gusto ang kanilang bagong bansag.