Universal Code of Conduct/FAQ
Outdated translations are marked like this.
Pagsa-sangguni
- 1. Paano nauugnay ang UCoC sa iba pang mga pagkukusa ng Kilusang Estratehiya at pagsasangguni, tulad ng Movement Charter?
- Isang susing pagkukusa ang UCoC mula sa mga pamayanang usapan at estratehiyang proseso ng Wikimedia 2030. Ang pangatlong mungkahi mula sa mga usapan ng Kilusang Estratehiya ay ang paglaan para sa kaligtasan at pakikisama sa loob ng mga pamayanan at gumawa ng isang kodigo ng asal na naturining pinakaunang pagkukusa ng mungkahing ito. Nagkaroon ng mga Usapang Global kasabay ng mga pagsasangguni ng Universal Code of Conduct para sa mga iba pang pagkukusa ng Kilusang Estratehiya tulad ng Movement Charter.
- 2. Sa anong batay napili ang mga pamayanan para sa mga lokal na pagsasangguni?
- Napili ang mga pamayanan sa mga wikang lokal na pagsasangguni sa Yugto 1 mula sa ilang mga salik, tulad ng bilis ng paglago at estado ng mga lokal na patakaran ng paguugali. Karagdagang kaalaman tungkol sa proseso ng Yugto 1 ay makikita rito. Naging praktikal na pagsasaalang-alang din ang pagkakaroon ng mga kwalipikadong wikang lokal na mga tagapangasiwa.
- Parang sa Yugto 1, ilang mga salik ang gumabay sa pagpili ng mga pamayanan para sa Yugto 2. Una dito ang datos ng mga kasalukuyang naroon na mga pagkakayari para sa pagpapatibay ng mga proyekto ng Wikimedia sa iba't-ibang wika, na may paggalang sa mga lokal na patakaran. Napili ang mga mga tagapangasiwa na kumatawan sa mga pamayanan na mayroong samu't-saring lebel ng naroong pagtitibay upang madla ng iba't-ibang pananaw. Naging bahagi din dito ang pagkakaroon ng mga kwalipikadong tagapangasiwa at ang hangarin ng malawakang heograpikal na saklaw.
- 3. Nailathala na ba ng Pundasyong Wikimedia na maipapatupad ang UCoC sa lahat ng proyekto at espasyong Wikimedia?
- Oo. Dahil ang UCoC ay magiging isang bahagi ng Terms of Use, hindi maaari na tumakas ang bawat na pamayanan sa global na patakarang ito. Kung sakaling mayroong mga lokal na patakaran at gawi na magkasalungat sa UCoC, dapat naitaas ito ng maaga sa proseso upang masuri at maayos ang tunggaliang ito. Simula 2 Pebrero 2021, napagsang-ayunan na ng Lupon ng mga Katiwala ang UCoC bilang isang patakaran na maipapatupad sa lahat ng mga proyekto at gawain sa kilusang Wikimedia. Ginawang malinaw din ang sakop nito simula noong mga panimulang bahagi ng pagsasangguni ng Yugto 1 na nagbalangkas ng patakaran, at inilathala din ito sa meta, wikimedia-l, at bawat proyekto. Ang talaan ng mga latahala sa mga maliliit at katamtamang sukat ng mga wiki ay makikita sa pahinang ito. Ang mga detalye ng mga mas-malaking on-wiki na pagsasangguni ay makikita dito.
Pagsasalin
- 4. Makikita ba ang UCoC at ang mga umaalalay na kasulatan sa lahat ng wika?
- Magtratrabaho ang pangkat ng proyektong UCoC upang maisalin laht ng mga mahalagang kasulatan at lathala sa maraming wika hanggang maari gamit ang pinagsamang pagsasaling ahensiya at kusang-loob. Ito ay isang malaking pagsisikap na gagastos ng maraming oras, at hindi namin ito magagawa ng mag-isa. Hinihikayat namin ang mga kusang-loob na tauhan na nais magsalin ng mga kagamitan, o mga nais makakuha ng mga salin sa isang bagong wika, na mag-email sa ucocproject wikimedia.org. Kahit hindi maaaring maisalin ang lahat ng mga kagamitan sa lahat ng wika, nakatuon kami sa payagin ang malawakang pakikibahagi sa proseso ng UCoC sa lahat ng wika.
- 5. Kung sakaling mayroong pagkakaiba o pagtunggali sa pakahulugan, aling wikang bersyon ng balangkas ang matuturing opisiyal na bersyon?
- Nagtratrabaho ang pangkat ng UCoC upang makapaglathala ng maraming pagsasalin ng patakaran ng UCoC, mga alituntunin sa pagpaptupad, at mga kaugnay na pahina, hanggang maaari. Gayunpaman, hindi perkpekto ang mga pagsasalin, at gumagamit kami ng ilang mga estratihiya (nabayarang ahensiya, kusang-loob na tauhan, kawani, etc.) upang matapos ang mga pagsasalin, kung saan sila ay maroong sariling hamon sa katumpakan. Hinihikayat ang mga pamayanan na tulungan kami sa paghanap at pag-ayos ng mga pagkakaiba, at hinihiling namin na maintindihan na ang pag-ayos ng mga pagkakaiba ay maaaring magtagal. Hanggang matapos ang proseso, ang bersyon sa Ingles ang magiging tunay na bersyon.
Pagpapatupad
- 6. Ano ang mga plano sa pagpapatupad ng UCoC, tulad ng kung sino ang mga magpapatupad nito?
- Sa nabanggit ng panuto ng Lupon ng mga Katiwala ng Pundasyon (Lupon, o BoT), tampulan ang pagpapatupad sa pangalawang yugto ng proyekto, na nagsimula matapos maipatibay at maipahayag ng Lupon ang huling balangkas na bersyon ng UCoC noong 2 Pebrero, 2021. Ibig sabihin nito ay mga pamayanan ng Wikimedia ang pipili kung paano maipapatong, mapakahulugan, at mapapatupad sa lokal na antas. Hinhikayat ang kahat ng mga apektadong partido at pamayanan na masiglang makibahagi sa mga usapan upang makahanap ng pagkakatugma sa mga naroong gawi, patakaran, at pamamaraan ng pamayanan. Sa wakas, nais maging sanggunian ang UCoC at ang mga estratehiyong pangpatupad nito sa buong kilusan. Hinhikayat parin ang bawat pamayanan na bumuo ng sarili nilang kodigo ng asal sa taas ng pagpupunyaging ito.
- 7. Paano haharapin ang mga paglabag sa UCoC sa totoong buhay, halimbawa, sa isang kaganapan ng Pundasyon o isang kaakibat ng Wikimedia kung saan naaangkop din ang Friendly Space Policy? Anong patakaran ang uunahin?
- Dahil nagbibigay ng kakaunting alituntunin ang UCoC, dapat isangguni muna ang mga lokal na patakaran at ipapatupad kung ito ay naaayon. Totoo ito para sa mga kaganapan tulad ng ito ay totoo para sa kahit anong proyektong Wikimedia. Dapat maipatong lamang ang UCoC sa mga kaso na hindi sapat ang lokal na patakaran o makinarya ng pagpapatupad na matugunan ang mga naroon na suliranin.
- 8. Magkasalungat ba ang pribadong paguulat ng mga paglabag ng UCoC sa malaya at naaaninag na kultura ng pamayanang Wikimedia (kung saan, halimbawa, nakikita ng lahat ang kasaysayan ng isang pahina)?
- Sa kasalukuyan, totoo na tinatanggap ang mga ulat ng pribado para sa mga iba't-ibang dahilan, tulad ng mga kasong kinakailangan ang pagsisiwalat o pagsugpo ng kaalamang nakatutukoy sa sarili, mga pagbabanta ng pinsala, at iba pang mga suliranin. Madalas na ipinapasa ang mga ulat na ito sa Trust and Safety/Legal, mga Katiwala, CheckUser, Oversighter, mga Komite ng Arbitrasyon, at iba pang mga functionaryo. Mayroong makabuluhang bilang ng mga nakibahagi na nagbigay ng kanilang pagaatubili sa paguulat ng panliligalig sa mga publikong lugar, dahil maaaring magdala ito ng karagdagang poot. Isa sa mga mahalagang pagsasaalang-alang sa Yugto 2 ang paghanap ng pangangailangan ng pagtimbang ng pagkaaninaw sa katungkulan na protektahan ang mga biktima ng panliligalig.
- 9. Anong uri ng tulong ang ibibigay ng Pundasyon para sa mga may tungkulin na ipatupad ang UCoC?
- Nakatutok ang Pundasyon sa pagtulong ng UCoC sa lahat ng yugto ng pagsulong nito: pagbabalangkas ng patakaran, pagsasangguni sa pagpapatupad, at ang paninigurado na maayos ang yari ng mga daanang pangpapaptupad. Mayroon nang ibang hakbang na ginagawa upang paniguraduhin ang matagumpay na pagpapatupad ng UCoC. Kasama rito ang pagbigay ng tulong sa mga magkakaroon ng tungkulin na magpatupad ng UCoC. Halimbawa, inilunsad na ng pangkat ng Community Development ng Pundasyon ang mga unang online na programa sa pagsasanay. Habang mas naiintindihan namin ang mga kinakailangan ng mga pamayanan sa mga pagsangguni ng Yugto 2, mas maiintindihan namin ang mga uri ng pagtulong na kailangan unahin.
Pana-panahong pagsusuri
- 10. Magkakaroon ba ng mga pana-panahong pagsusuri at pagbabago ng UCoC matapos mabuo ito? Kung oo, sino ang mayroong tungkulin nito?
- Oo. Magsasagawa ng isang pagsusuri ng UCoC at mga Alituntunin ng Pagpapatupad ang Legal na sanga ng Pundasyon isang taon matapos ang pagpapatibay ng Alituntunin ng Pagpaptupad. Maaring isulong ang mga sumusunod na pagsusuri ng mga umuusbong na istraktura ng pamamahala tulad ng mga iminumungkahi ng proseso ng Kilusang Estratehiya.
- 11. Sino ang magsusuri ng mga patakaran sa kinabukasan kung mayroong lumitaw na kinakailangan ng madaliang pagbabago?
- Tulad ng ibang mga patakaran ng Pundasyon, maaaring ipasa ang mga kahilingan ng madaliang pagbabago sa Legal na sanga ng Pundasyon. Ang Legal na sanga ang nanguna sa mga usapan ng mga pagbabagong inilulunsad ng pamayanan (tulad ng 2014 na pagbabago sa Mga Terms of Use/Mga Bayad na Kontribusyon) at mayroon itong istruktura at proseso sa pangangasiwa ng mga sitwasyong ito.
Pagkasalungat sa mga lokal na patakaran
- 12. Ano ang mangyayari kung magkasalungat ang mga lokal na patakaran at UCoC?
- Matapos ang pagtanggap ng UCoC ng Lupon, hinihikayat ang lahat ng mga pamayanan ng Wikimedia na tignan ang kanilang kasalukuyang patakaran upang manigurado na natutupad nito ang mga inaasahan ng UCoC. Maaring lampasan ng mga pamayanan ang UCoC at gumawa ng mas detalyadong patakaran, ngunit dapat paniguraduhin nila na hindi bababa ang mga lokal na patakaran nila sa batayan na itinakda ng UCoC. Kung kinakailangan, maaaring magtulungan ang mga pamayanan at Pundasyon upang maipagsundo ang mga patakaran. Maaaring tumulong ang Pundasyon hanggang matapos ang proyekto.
- 13. Maipapatong din ba ang UCoC sa mga proyektong mayroon na na lokal na patakaran at alituntunin?
- Layon ng UCoC na bumuo ng mga saligang pamantayan para sa paguugali sa buong kilusan. Karaniwang naaabot o lumalampas ang mga mahusay na nabuong patakaran ng mga proyekto sa mga inaasahan ng UCoC at karaniwan hindi na kinakailangan ang mga karagdagang pagbabago upang sumunod sa global na patakaran.
- 14. Bawat proyekto ng Wikimedia ay may sariling alituntunin sa pagu-ugali at patakaran na nasulat ng mga tagagamit ng mga proyektong iyon batay sa kanilang mga kinakailangan. Papalitan ba ng UCoC ang mga alituntunin at patakarang ito?
- Hindi layon ng UCoC na palitan ang mga kasalukuyan at mabisang pamantayan ng paguugali. Sa halip, ang UCoC ay maging isang saligang pamantayan para sa lahat ng mga proyekto, lalo na sa mga proyekto na kakaunti o walang pamantayan sa paguugali. Maaring gamitin ng mga pamayanan ang UCoC upang gumawa ng mas naaangkop sa kultura na pamantayan o para maayos ang mga naroon na alituntunin kung kinakailangan.
- 15. Paano pag hindi nababagay ang UCoC sa 100% ng kinakailangan ng pamayanan namin?
- Siguradong hindi makakamit ng UCoC ang lahat ng mga kinakailangan ng pamayanan. Maaari din na umunlad pa ang UCoC sa hinaharap. Hinihikayat ang mga pamayanan na bumuo ng sarili nilang patakaran sa taas nito. Halimbawa, maaaring sabihin ng UCoC na "Dapat unahin mo ang pinakamabuti hindi lang para sa iyo na iisang patnugot, ngunit para sa pamayanang Wikimedia na buo." Napakaluwang nito. Mayroon nang mas detalyadong patakaran ang karamihan ng mga proyekto ng Wikimedia para sa mga suliraning ito, tulad ng Salungatan ng Kapakanan. Kung wala ito sa proyekto mo, magiging pamantayan na patakaran ang pangungusap na ito para sa mga pagtutunggali sa paksa na ito. Ngunit maari rin na maging isang magandang paalala ang UCoC na gumawa ng mas detalyadong patakaran dito o sa mga ibang paksa.
- 16. Paano magkakasya ang UCoC sa lahat ng mga kontekstong kutural?
- Maaaring hindi magkasya ang UCoC sa lahat ng mga kultural na konteksto, ngunit pinaghirapan ng mga tagabalangkas na gawin itong nagpapabilang hanggang maaari. Nakitungo ang pangkat ng UCoC sa mga pamayanan ng iba't-ibang kultura at kinuha ang kanilang puna. Isinalang-alang ng komite ng pagbabalangkas ang mga ito noong ginagawa ang balangkas. Kung mayroon kang nakikitang iba pang puwang sa kultura sa balangkas, pakidala ito sa aming pansin sa usapang pahina ng Universal Code of Conduct, at maaring isama ito sa una o susunod na taun-taon na pagsusuri.
Kalabisan sa Terms of Use
- 17. Kinakailangan pa ba na magkaroon ng UCoC kung ang bahagi 4 ng Terms of Use (ToU) ay sumasakop na ng mga patakaran ng pagu-ugali tulad ng "Refraining from Certain Activities" ("Pag-iwas ng Tukoy na Gawain")?
- Nasasakop ng Bahagi 4 ng Terms of Use ng Wikimedia ang ibang pamantayan sa paguugali pati ang ibang pamantayan sa mga nilalaman tulad ng paglabag ng copyright at mga bayad na pamamatnugot. Gayunpaman, hindi ito isang komprehensibong talaan. Layon ng Universal Code of Conduct na tulungan ang mga pamayanan na ipatupad ang Bahagi 4 ng ToU sa pamamagitan ng pagdedetalye ng inaasahang paguugali.
- 18. Bakit kinakailangan magsulat ng bagong UCoC kaysa palitan ang Bahagi 4 ng Terms of Use?
- Upang manatiling madaling mabasa at maikli ang Terms of Use, kinakailangan na mahiwalay ang ibang kaalaman sa ibang mga dokumento. Halimbawa, ang Patakaran sa Paglilisensya at Patakaran sa Paglilisensya ng Commons ay nakasali bilang link. Ang pagsang-ayon sa Terms of Use ay ang pagsang-ayon din sa mga dokumentong iyon. Sa paghihiwalay ng Universal Code of Conduct, ito ay maaring mas maging detalyado kung kinakailangan. Mapapadali din nito ang mga pagbabago batay sa mga nagbabagong kinakailangan natin bilang isang kilusan.
Pakikibahagi ng Pundasyong Wikimedia
- 19. Bakit bahagi ang Pundasyong Wikimedia sa patakarang ito?
- Hiniling ng Lupon ng mga Katiwala na tulungan ng Pundasyong Wikimedia ang proseso. Sa mga mungkahi naisulong ng mga kasapi ng pamayanan sa proseso ng Kilusang Estratehiya, nasulat ang UCoC ng isang komite na nabubuo ng mga kusang-loob na tauhan at mga kawani ng Pundasyon.
- 20. Ano ang tunay na kilos ng Pundasyong Wikimedia kung mayroong lumabag ng UCoC?
- Hindi ang Pundasyong Wikimedia ang haharap ng karamihan ng mga paglabag ng UCoC. Ito ay haharapin ng mga lokal na pamayanan o mga global na functionaryo. Ganito rin ang kasalukuyang pagharap ng mga paglabag ng Terms of Use. Malalaman ang tumpak na detalye ng pagpapatupad matapos ang pagpapatibay ng mga Alituntunin ng Pagpaptupad.
- 21. Ang UCoC ba ay madadaan sa isang botohan?
- Napatibay ng Lupon ng mga Katiwala ang pangunahing teksto ng patakaran ng UCoC noong Pebrero 2021, at ito ay isang kasalukuyang patakaran. Dadaan ang mga Alituntunin ng Pagpapatupad sa isang proseso ng pagpapatibay sa 2022, sumasalamin sa mga hiling para sa prosesong ito ng bukas na liham papunta sa Lupon ng mga Katiwala ng mga Arbitrador ng mga proyektong Wikimedia noong Abril 2021.
Pagpapatupad
- 22. Ano ang nilalaman ng Alituntunin sa pagpapatupad ng UCoC?
- Gawa ang Mga Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC sa mga prebentibong gawain (pagsusulong ng kamalayan ng UCoC, pagmungkahi ng pagsasanay sa UCoC, at iba pa) at reseptibong trabaho (pagdedetalye ng mga proseso ng paghahain, pagproseso ng mga iniulat na paglabag, pagbigay ng mga pagkukunan para sa mga iniulat na paglabag, pagtatalaga ng mga gawain para sa mga paglabag…) na nais tulungan ang mga kasapi ng pamayanan na magtulungan ng maayos sa isa't-isa gamit ang mga proseso na patas at makatarungan sa mga pamayanan upang magbigay ng pinakaligtas na kapaligiran sa trabaho para sa lahat.
- 23. Gaano kadalas mababago ang mga alituntunin?
- Ang teksto ng patakaran at mga alituntunin ay magkakaroon ng pana-panahunang pagsusuri, pati sa isang taon matapos ang pagpapatupad.
- 24. Sino ang mangangasiwa ng UCoC?
- Ang Universal Code of Conduct Coordinating Committee, o nalalaman sa pangalang U4C. Ang U4C ang susubaybay sa mga ulat ng paglabag ng UCoC at maaaring sumali sa mga karagdagang pagsisiyasat at gumawa ng aksyon kung nararapat. Ang U4C ang kadalasang susubaybay at tatasa ng lagay ng pagpapatupad ng Code at maaaring magbigay ng mga nararapat na pagbabago sa UCoC sa Pundasyong Wikimedia at pamayanan para sa pagsasaalang-alang. Kung kinakailangan, tutulungan ng U4C ang Pundasyong Wikimedia sa pagharap ng mga kaso. Hindi mapapalitan ng U4C ang UCoC, harapin ang mga pagtutunggali ng Pundasyon at mga kaakibat, gumawa ng mga patakaran na dinadaya o binabalewala ang UCoC, o kumilos sa kahit anong paksa na hindi kaugnay ng UCoC o ang pagpapatupad nito.
- 25. Paano makikipag-ugnayan ang U4C sa mga ibang katawang naghahatol, tulad ng mga Komite ng Arbitrasyon?
- Layon maging huling katawang tagahatol ang U4C kung saan wala nang mas mataas na katawang tagahatol (tulad ng mga pamayanan na walang komite sa arbitrasyon o isang katulad na proseso), o isang lugar kung saan dinadala ng mga mas mataas na katawang tagahatol ang mga ibang kaso. Magiging katawang tagahatol din ang U4C para sa mga malalang sistematikong suliranin na hindi mahaharap ng mga naroon na istraktura ng pagpapatupad.
- 26. Paano mabubuo ang U4C?
- Itinataguyod ng Komite ng Pagbabalangkas ang pagbuo ng Tagabuong Komite ng U4C. Mabubuo ang Tagabuong Komite ng U4C ng mga kasapi ng pamayanan na magtratrabaho kasama ang Pundasyon upang gumawa ng isang proseso na bubuo ng U4C.