Taunang Plano ng Pundasyong Wikimedia

This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation Annual Plan and the translation is 98% complete.

Ang Taunang Plano ng Pundasyong Wikimedia ay ang plano ng mga gawain ng Pundasyong Wikimedia kada taon. Nakatakda ang mga ito sa taon ng pananalapi ng Pundasyong Wikimedia, na nagsisimula sa Hulyo 1 at natatapos sa Hunyo 30 ng sumusunod na taon. Ang pagbuo ng plano ay minsan tinatawag na Taunang Proseso ng Pagplano o APP.

De Groene Verbinding
De Groene Verbinding

Listahan ng mga taunang plano


Mga kadalasang katanungan (FAQ)

  1. Ano ang isang taunang plano?
    Ang isang taunang plano ay isang mataas-na-antas na balangkas para sa mga layunin ng isang organisasyon sa susunod na taon. Karaniwan silang naglalarawan ng mga kaunahan, pangangailangan sa magpakukunan, at nais na mga resulta na pinagkakatiwalaan ng Kilusang Wikimedia, at sumasakop sa mas malawak na panukalang loob ng aming maramihang-taon na mga pananagutan at direksyong estratehiya ng Kilusang Wikimedia.
    Sa Wikimedia Foundation, ang taunang plano ay sinasadyahang mag-alok ng direksyong patnubay sa mga pinuno at pangkat sa pamamagitan ng pagbuo ng mga proyekto na kanilang pinagtatrabahuan sa buong taon. Hindi ito sinasadyahang maging isang listahan ng mga proyekto na may mga teknikal na katangian, dahil ito ay nag-iiba sa buong taon. Ang taunang plano ay naglalaman ng mga pinangungunahan at mga mataas na antas na ipotesis na tumuturo sa mga pangkat na magsiyasat, magdisenyo, subukan, at ipatupad ng iba't ibang mga estratehiya. Ang pangunahing madla ng taunang plano ay ang mga panloob na kagawaran, pangkat, at bawat kawani na gumagamit nito upang magabay ang kanilang trabaho sa buong taon, na sumasalamin sa tono, wika, at istraktura ng plano. Ito ay binuo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at inilabas sa publiko bawat taon una sa isang burador at pagkatapos ay bilang isang huling produkto upang magbigay ng kalinawan at humingi ng feedback mula sa mga taga-Wikimedia.
  2. Ano ang pangunahing bahagi ng taunang plano?
    Simula sa taon ng pananalapi ng 2023-2024, nagsimula ang Pundasyon na lumathala ng mga nakatuon na pangkat para sa apat na pangunahing layuning lugar na nakaugat sa direksyong estratehiya: Imprastraktura, Pagkapantay-pantay, Kaligtasan at Katapatan, Pagkabisa. Karaniwan, ang taunang plano ay naglalaman din ng impormasyon tungkol sa mga pangunahing datos sa panlabas na maaaring makaapekto sa aming trabaho, pati na rin ang aming mga operasyon, mga kagawarang gawain, laang-gugulin, pagbibigay ng kalooban, at mga tularan ng kita.
  3. Bakit may taunang plano ang Pundasyong Wikimedia?
    Tinutulungan ng isang taunang plano ang Pundasyong Wikimedia na mag-ugnay ng mga araw-araw na gawain ng mga kawani sa aming pakay at kalawakang pangitain, ang mga kailanganin ng mundo sa amin, at pati ang direksyong estratehiya ng Wikimedia. Isa itong oras kung saan ang mga pinuno ng Pundasyon ay magtitimbang ng mga naglalabanang pangunahin sa kung paano gagamitin ng mga pangkat ang kanilang oras sa susunod na taon, at upang siguraduhin na nakakamit namin ang mga sali-salimuot at nagiibang kailanganin ng aming mga tagabasa, patnugot, donatante, at plataporma. Binibigyan din nito sa mga kawani sa Pundasyon ang pagkakataon na suriin ang pag-unawa ng mga pangunahing ito at pabutihin ang mga paraan na magtrabaho kasama ang mga kusang-loob, kasapi, ang Lupon ng mga Katiwala, at kasama ang isa't-isa sa lahat ng mga pangkat at kagawaran.
  4. Ano ang nakatakdang panahon ng taunang plano?
    Sumusunod ang Pundasyong Wikimedia sa isang Julyo-Hunyong kalendaryo ng pananalapi. Ang kahulugan nito ay ang taon ng pananalapi (FY) 2024-2025 ay sumasakop ng Hulyo 2024 hanggang Hunyo 2025. Sa loob ng taon na iyon, karaniwang sinusubaybayan namin ang trabaho namin sa mga apat na sangkapat, tatlong buwan bawat isa.
  5. Paano isinusulat ang taunang plano?
    Nagiiba ang proseso kada taon, ngunit sa mga nakalipas na taon ito ay patuloy naming pinauunlad at pinabubuti ang isang pinagtutulungang paraan ng pagbabalangkas.
    Nagsimula ang mga usapan ng FY 2024-2025 sa Talking:2024 - mga usapan sa gitna ng iba't-ibang kawani ng Pundasyon, mga pinuno, mga katiwala, at ang mga taga-Wikimedia sa buong mundo. Pinabatiran ng mga nakalap namin sa mga usapang ito ang mga pangunahin na inilatag sa mga layunin ng taunang plano. Ang Talking:2024 ay sinundan ng isang paanyaya mula sa Punong Opisyal ng Produkto & Teknolohiya Selena Deckelmann para sa mga sa-wiki na komento tungkol sa mga minumungkahi na layunin para sa mga trabahong produkto at teknolohiya ng Pundasyon sa susunod na taon. Ang mga layuning ito ay tumatayo sa mga kasalukyang usapan ng Talking:2024, na binibigyan-diin ang kahalagahan ng patuloy na tampulan ng mga kailanganin ng aming plataporma at mga online na patnugot. Ang mga pangunahing resulta ng Produkto at Teknolohiya ay nailathala noong huling bahagi ng Marso, at sinundan naman ito ng buong mga kagamitan ng taunang plano noong 11 Abril 2024.
    We welcomed ideas over a two-month period on-wiki, in community channels and through live discussions in co-created community spaces in many languages. Wikimedians shared their take on the proposed plans and about their own goals for the upcoming year. Inspired by what so many others are doing in their own work, we continue to find opportunities to collaborate and learn from the planning processes and work of others in the Wikimedia movement as well as other partners. Throughout the period changes were made to the plan - see edit histories and a summary of feedback, engagement statistics and changes to the annual plan will be available over the next few weeks like in previous years. As the annual plan is not meant to be a list of projects or technical features, which evolve throughout the year some of the conversations started during the annual plan will continue to be live conversations.
  6. Ano ang bumubuo sa mga inilalagay sa taunang plano?
    Mayroong ilang mga kadahilanan na bumubuo ng mga nailalagay sa taunang plano ng Pundasyong Wikimedia. Nagsimula kami sa pagiisip ng "ano ang kailangan ng mundo sa mga proyektong Wikimedia sa ngayon"? Kasama dito ang pagtingin sa mga pandaigdigang datos sa labas, artipisyal na katalinuhan, pagiiba sa mga paraan ng pagsaliksik, at mga pandaigdigang pagbabagong regulatoryo.
    Ang susunod na pinagiisipan namin ay "ano ang kailangan ng madla namin mula sa amin?" Sa isang mababaw na antas, kasama sa aming madla ang aming mga umaambag, mambabasa at iba pang gumagamit ng aming nilalaman, at mga donatante. Sa sinasabing umaambag, kabilang dito ang lahat ng nagbibigay ng oras nila upang mapalaki at mapabuti ang mga nilalaman ng proyektong Wikimedia kasama ang mga patnugot (sa lahat ng antas ng kasanayan), taga-upload ng nilalaman, at mga kusang-loob na developer. Kabilang sa pangalawang kaurian ang lahat ng tao mula bawat mambabasa at akademikong mananaliksik hanggang mga malakihang organisasyon na gumagamit at namamahagi ng mga nilalamang Wikimedia. Para sa mga donatante, kabilang dito ang lahat ng nagbibigay ng suporta sa pananalapi ng kahit anong laki at sa kahit anong paraan. Binabalikan namin ang mga naririnig namin sa buong taon mula sa Kilusang Wikimedia ng mga pandaigdigang datos sa labas na dapat namin tuntunan, mga bantang legal at regulatoryo, at kung ano ang dapat malaman ng mundo tungkol sa ibinabahaging gawa namin.
    Sa wakas, isang mahalagang bahagi ng taunang plano ang mga wala sa plano. Sa taunang pagpaplano, ang mga kawani at pinuno ng Pundasyon ay nangangailangang timbangin ang mga mahalagang pagpapalitan tungkol sa kinabukasan ng aming produkto at mga programa. Bahagi nito ay dahil itinataas namin ang aming taunang laang-gugulin ng pagpapatakbo kada taon; sa kabuuan, ginagastos namin ang nangangalap namin na pondo sa isang takdang taon, kung saan isang maliit na halaga ay napupunta rin sa aming mga panlaan (para sa mga hindi naasahang pangyayari) at ang Kaloobang Wikimedia (para sa mas matibay na pangmatagalang kita). Ang mga naipaplano namin ay nabubuo ng aming laang-gugulin at inaasahang kita kada taon, kasama ang aming pangako na magpanatili ng isang malakas na tumbasan ng gastusin sa mga programa.
    Para sa ilang tao, ang pagkakaroon ng mga pagpapalitan sa gastusin ay nagmumukhang hindi naaari dahil sa laki ng aming tanunang laang-gugulin, ngunit bilang mga tagaplano kinakailangan namin pag-isipan ng matalino ang kung paano magagamit namin ang aming laang-gugulin upang maitaguyod ang mga teknikal na imprastraktura na mapananatili namin. Gamit ang panig na ito, iiba ang Pundasyong Wikimedia: walang ibang teknikal na organisasayon sa buong mundo na may katumbas na laki ng trapiko ng website, online na bakas, kakayahang multilinggwal at paulit na paggamit ng datos na tumatakbo sa isang walang-kita na laang-gugulin at hindi nagpapatakbo ng patalastas o nagbebenta ng datos mo. Dahil dito, hindi isa sa mga pinagiisipan naming tanong ang "ano ang kailangan maayos?" kundi "ano ang pinakamahalagang pagkakataon o suliranin na kailangan tampulan ngayong taon? Kaya ba ng mga pangkat namin na gumawa ng makabuluhan na pagbabago sa lugar na iyon gamit ang mga pagkukunan na mayroon tayo?"
  7. Ano ang mga "OKR" at "ipotesis"?
    Sinimulan naming gamitin ang wika sa pagplaplano na ito na mas tuloy-tuloy sa FY 2023-2024 na taunang plano, at patuloy naming gagawin ito sa patuloy na kinabukasan.
    Ang mabuting estratehikong pagplaplano ay nagsisimula sa isang epekto o pagbabago na nais namin gawin - mga bagay tulad ng paggawa ng mga nilalamang Wikimedia na mas madaling matuklasan, pagbababa ng oras ng pagkakarga sa isang bahagi ng mundo, pagtaas ng pananatili ng mga bagong patnugot, pagbubuti ng mga proseso ng mga tagaalalay, o pagtanggol laban sa isang takdang uri ng legal na banta. Ang mga ito ay ipinahahayag bilang "layunin", o mga pahayag na sinasakop ang malawakang epekto na nais namin makamit.
    Ang susunod na hakbang ay ang pagkilala ng mga masusukat na mga pahayag na matutulungan kami na maabot ang mga malawak at mapag-adhika na mga layuning iyon. Ito'y tinatawag na "mahalagang resulta" (KR) at kumakatawan ng mga mataas na antas na paraan kung saan maaari namin maipakita ng nasusukat kung nakamit ba namin ang aming mga layunin. Mula doon, maaari kaming gumawa ng isang ipotesis na kumakatawan ng pinaniniwalaan ng mga pangkat na maaari nila maitulong upang maabot ang KR na iyon. Ipotesis ang kung saan isinasagawa namin ang mga tukoy na trabaho na kailangan matapos upang makamit ang aming mga layunin. Ang mga kaalaaman tungkol sa mga ipotesis ay mahahahanap sa proyektong pahina ng bawat pangkat.
    Sa wakas, ang mga OKR ay hindi sumasakop ng lahat ng ginagawa namin. Maraming mga gawaing nakatuon sa pagpapanatili na ginagastusan ng mga kawani ng Pundasyong Wikimedia ng maraming oras sa buong taon, tulad ng pamamahala ng tatak-pangkalakal at mga tatak, pagpapanatili ng software at pagaayos ng mga pagkakamali, pagkamaaasahan at seguridad ng website, at ang pamamahala ng pampublikong relasyon at karangalan.
  8. Bakit tila hindi malinaw ang lahat nito?
    Ang taunang plano ay malawakang sumasalamin ng nais namin baguhin o kamitin sa isang takdang taon ng pananalapi. Kapag ang mga pangunahin na iyon ay nakatakda na, ginagamit ng mga pangkat ng Pundasyon ang buong taon na iyon na inaalam kung paano makakamit ang pagbabagong iyon, tulad ng isang bagong katangian ng produkto, sistema ng datos, paraan ng pagiinhinyero, estratehiyang legal, kampanya ng kominkasyon, o pamayanang programa, at pagatapos ay ipapatupad ito.
  9. Paano sinusuri at ibinabahagi ng Pundasyong Wikimedia ang progreso at epekto nito?
    Mayroong bahagi ang taunang plano na naglalaman ng mga panukat na ginagamit namin upang masukat ang aming epekto at progreso sa plano. Karaniwan naming inilalathala ang impormasyong ito. Tignan ang mga dating halimbawa sa Diff-post na "Pagpapatibay ng Pag-uugnay sa Kilusang Wikimedia" at ang pagbabago sa progreso ukol sa 2023-24 na plano sa Diff-post na "Progreso sa plano: Kung paano sumulong ang Pundasyong Wikimedia sa layunin ng taunang plano nito".
  10. Pareho ba ang taunang plano sa taunang ulat?
    Hindi. Ang taunang plano ay isang kasulatan ng pagbabalangkas para sa nilalayong trabaho sa susunod na taon. Ang pangunahing madla nito ay ang mga kawani, pati na rin ang mga kusang-loob, donatante, at mambabasa. Ang tanunang ulat ay isang pagbabalik-tanaw na pagsusulat na sinasadyang bigayan diin ang aming pagbabago sa mundo, at ang pangunahing madla nito ang mga donatante at ang pangkalahatang publiko.

Tingnan din