Estratehiya ng Kilusan

This page is a translated version of the page Movement Strategy and the translation is 100% complete.


Ang ating kinabukasan sa ecosystem ng libreng kaalaman

Nagsimula ang Wikipedia noong 2001 bilang isang paanyaya upang ibahagi ang kabuuan ng lahat ng kaalaman. Ngayon, ang Wikimedia ay nag-aalok ng pinakamalaking ensiklopedia sa mundo at maraming iba pang mga proyekto ng wiki tulad ng Wikimedia Commons, Wikidata, at [$ 1 mga iba pa].

Sa kabila ng tagumpay na ito, ang mga Wikimedians ay nakakatagpo ng mga maraming hamon. Nananatili ang agwat ng kasarian at ang mga hadlang sa pakikilahok para sa mga grupong kulang sa representasyon. Ang kapangyarihan, mapagkukunan, at pagkakataon ng ating Movement ay hindi pantay na naipamahagi. Ang censorship, surveillance, at ang tumaas na komersyalisasyon ng kaalaman ay nagsapanganib sa pagkakaroon ng Wikimedia. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at panlipunang mga uso, ang ating gawain ay maaaring maging lumipas. Gayunpaman, ang mga hamong ito at ang patuloy na nagbabagong mundo ay nag-aalok din ng mga pagkakataon.

Magulo at masalimuot ang paglikha ng diskarte sa magkakaibang mga grupo habang gumagawa sa lahat ng regular na kinikilos ng Wikimedia. Sa kalaunan, ang kolektibong kaalaman at pananaw ay natipon upang bumuo ng isang ibinahaging pananaw. Ang tagumpay ng pamamaraan ito ay nagpapatunay na ang lakas ng Wikimedia ay ang talino, dedikasyon, at integridad ng kanyang mga nag-aambag.

Ang pagsasama-sama natin ay hindi dahil sa ginagawa natin; ito ay kung bakit natin ito ginagawa.

Pag-unawa sa Movement Strategy

Umpisahan natin sa strategic direction:

Sa 2030, ang Wikimedia ay magiging mahalagang imprastraktura ng ecosystem ng libreng kaalaman, at sinumang kahawig ng ating pananaw ay makakasama sa atin.

Naniniwala tayo sa kapangyarihan ng pakikinig, pag-aalam at pag-subok. Sa pamamagitan lamang ng bukas na pakikipag-usap ay makakalikha tayo ng isang mundo ng libreng kaalaman na gumagana para sa lahat. Tinutulungan ng Movement Strategy ang lahat na magko-coordinate sa nakapaligid na pasulong na landas na ibinahagi. Ang prosesong ito ay kailangang maging radikal at mapag-angkop, participatory, at multilinggwal. Inaanyayahan namin ang lahat na mag-ambag sa diskarteng ito habang nagbabahagi ng mga common principles.

Ang estratehikong direksyon na ito ay nagpapa-kaisa at nagbibigay-inspirasyon sa Wikimedia Movement patungo sa 2030. Dalawang layunin na gumagabay sa patutunguhang ito:

  • Knowledge as a Service – Maging isang plataporma na naghahatid ng kaalaman sa maraming format at bumubuo ng mga kasangkapan para sa mga kaalyado.
  • Knowledge Equity – Tutok sa kaalaman at sa mga pamayanan na naiwanan ng istruktura ng kapangyarihan at pribilehiyo.

Ang mga layuning ito ay magkakaugnay. Ang isa ay hindi makakamit kung wala ang kaugnay.

Ang estratehikong direksyon ay nagbibigay inspirasyon sa sampung mga rekomendasyon tungkol sa iba't ibang larangan ng gawain. Ang bawat rekomendasyon ay tumutukoy sa kongkreto na mga inisyatiba. Ang bawat inisyatiba ay maaaring binubuo ng maraming aktibidad at proyekto.

Ang mga rekomendasyon sa Movement Strategy ay konektado lahat at sumusuporta sa isa't isa. Tulad ng mga layunin, hindi mangyayaring maituloy ang mga ito nang nakapinid.

Makipag-sanib sa amin

Mahalaga ka sa tagumpay ng Movement Strategy. Mayroong maraming mga paraan upang makilahok: Kung mayroon kang iba pang mga ideya, nais naming marinig ang mga ito. Mag-usap tayo.