Fundraising 2010/Lilaroja Appeal/tl


[ Makabagong alpabetong Filipino ] [ ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔ ]

Lilaroja

edit
  • Maaari pong pakibasa:
  • Isang personal na apela
  • Mula sa manunulat ng Wikipedia na si Lilaroja
  • Isang mensahe mula sa manunulat ng Wikipedia na si Lilaroja

Isang dolyar, isang liham ng pag-ibig at isang wasak na damdamin.

Bilang isang mang-aambag sa Pundasyong Wikimedia sa San Francisco, nakakabasa ako ng maraming e-liham na isinulat ng mga tao at mga sulat na ipinapadala nila tuying sisimulan namin ang taunang kampanya para sa suporta.

Alam mo kaagad na hindi lamang kuwarta ang binibigay ng mga tao, pati rin ang kanilang pagmamahal. Isang batang masayang nagbibigay ng isang dolyar mula sa kanyang lingguhang alawans. Isang tseke na may simpleng post-it na mensaheng nagsasabi ng MAHAL KO ANG WIKIPEDIAAAAA!!! Minsan, mahirap basahin ang mga mensahe.

Hindi ko makakalimutan ang isang ama at ina na nagkuwentong ang anak nilang lalaki ay namatay sa isang bibihirang sakit. Nagbigay sila sa Wikipedia bilang pasasalamat para sa isang artikulong nagpapakilala sa iba sa sakit na kumuha sa buhay ng kanilang anak.

Iba-iba ang ibig sabihin ng Wikipedia sa mga manggagamit nito. Anuman ang aing koneksyon, bahagi ka ng mahiwagang komunidad. Higit sa 400 na milyong katao ang gumagamit sa Wikipedia at sa mga kapatid nitong mga sayts buwan-buwan -- halos 1/3 ng mga gumagamit sa Internet sa daigdig.

Ito ang panahon ng taon kung saan ang iba't-ibang tao sa komunidad ng Wikipedia na nagtutulong-tulong pangalagaan ito sa tulong ng donasyon na $20, €30, ¥4,000, o gaano man para panatilihing malaya ang Wikipedia.

Gaya ng pagbuo natin sa Wikipedia isang salita bawat oras, kaya natin itong panatilihing malusog at matatag isang donasyon bawat oras.

Sana'y maisip po ninyo ang panahong ito para bigyan ang Wikipedia ng pagmamahal.

Salamat,

Lilaroja Oliva, Espanya