Halalan ng Pundasyong Wikimedia, 2015/Panawagan para sa mga kandidato

This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation elections 2015/Call for candidates and the translation is 100% complete.
Info The election ended 31 Mayo 2015. No more votes will be accepted.
The results were announced on 5 Hunyo 2015. Please consider submitting any feedback regarding the 2015 election on the election's post mortem page.

Makitulong po sa pagkalap ng mga bagong kandidato para sa halalang pampamayanan ng Lupon ng Pundasyong Wikimedia

Mahal naming mga Wikimedista,

Nang lumalaki at gumugulang ang ating mga proyekto, kinailangan nating tumingin sa kinabukasan upang maituloy ang pagbuo ng kaalaman ng mundo para sa susunod na dekada. Noong huling buwan, inanyayahan ng Pundasyong Wikimedia ang marami sa ating mga mambabasa na ibahagi ang kanilang mga pananaw sa isang konsultasyon ukol sa estratehiya. Kasama sa ilang mga pinakamadalas na tugon ay ang mas mahigpit na tuon sa mga wika at pamayanan, kabilang ang mga nagsisimula pa lamang. Sa ating pagtugis ng kaalaman sa bawa't sulok ng planeta at sa bawa't kaisipang lumalawak, tinutuon ng mga kahilingang ito ang ating atensiyon sa pagiging mas mapabilang ng mga sari-sari at umuusbong na tinig.

Gayundin, pinag-uusapan din ng Lupon ng mga Katiwala ang komposisyon ng Lupon, at sang-ayon kami na kailangang salaminan ng aming pagkakasapi ang dibersidad ng ating mga pamayanan at proyekto. Kasama rito ang pagsali ng mga katiwala mula sa ating mga pamayanan, wika at proyektong kumakatawan sa mga heograpiya at wika mula sa buong mundo, kasama na ang mga proyektong hindi pa kasama o kinakatawan nang mabuti hanggang sa ngayon sa komposisyon ng ating Lupon.

Ito ang dahilan kung bakit humihiling kami sa iyo na tulungan kaming makipag-ugnayan sa mga pamayanan, sa Wikimedia at higit pa, upang magpaharap ng mga mahuhusay na kandidatong may potensiyal na:

  • Taga-Aprika, Indiya, Asya, o Gitnang Silangan; o
  • May kaalaman ukol sa isa sa ating mas maliliit na proyekto o proyektong 'di-Wikipedia; o
  • May malalim na kaalaman ukol sa mga paksa ng teknolohiya at produkto o pananalapi; at
  • May panimulang karanasan sa pamamahala (pagtuturo, pamamahala ng tao, pamamahala ng proyekto, mas malawak na karanasan sa mga sa lupon ng mga organisasyong 'di-kumikinabang, lalo na ng mga organisasyong pandaigdig, atbp.)

Kinakailangang may kakayahang makipag-ugnayan at makipagusap sa Ingles ang lahat ng mga kandidato dahil ito ang wikang ginagamit sa lahat ng mga usapan ng lupon. Nararapat din na hinihimok ng misyon ang mga epektibong katiwala, na kasama rin ang pagiging estratehiko, maingat, napakatapat, magalang at may tuon sa mga pamayanan.

Nakatuon ang Lupon sa dibersidad at balanse ng kasarian. Mangyari pong tumulong kayo sa paghahanap ng mga kandidatong may pananaw at tinig na kasalukuyang kulang sa pagkakatawan, ngunit kung saan napakahalaga ang kanilang paglahok sa kinabukasan ng ating mga proyekto. Hinihikayat din namin ang mga kandidato mula sa lahat ng ating mga proyekto at pamayanan na nagmumuni-muning kumandidato para sa Lupon na gawin ito, at hikayatin ang lahat ng mga kuwalipikadong mamboboto na lumahok sa pamamagitan ng pagtatanong at pagboto. Kailangan namin ang buong partisipasyon ng pamayanang Wikimedia upang matiyak na aabutin ng Lupon ang kakayahan nitong maging malakas at sari-sari sa mga susunod na panahon.

Upang makahanap ng karagdagang impormasyon, magnomina ng mga kandidato o maglathala ng iyong sariling nominasyon mangyaring bisitahin ang unang pahina ng halalan:

Maraming salamat po sa inyong suporta,
Ang Lupon ng mga Katiwala ng Pundasyong Wikimedia

Paghahanap ng limang bagong kasapi at tanodbayan na sasali sa Komite sa Pagpapamahagi ng Puhunan

Mahal naming mga Wikimedista,

Maaari mong alam na isang komiteng binubuo ng mga kusang-loob ang Komite sa Pagpapamahagi ng Puhunan (FDC), na nagrerekomenda sa Lupon ng mga Katiwala sa kung paano dapat ginagasta ang puhunan upang makamit ang mga layunin ng kilusan. Bawa't taon, nagtitipon nang dalawang beses ang FDC upang pag-usapan ang mga mungkahing sinusumite ng mga organisasyong Wikimedia ukol sa mga gawad na pumupuhunan sa kanilang mga taunang plano. Ginagamit ang mga puhunang ito, na inilalaan gamit ang isang proseso ng paggawad na nanghihikayat ng pakikilahok, pagkaaninag, at pagtutulungan, upang palawakin at palalimin ang paglahok at paganahin ang paglikha at kurasyon ng de-kalidad na nilalaman sa mga proyektong Wikimedia.

Limang mga puwesto sa komite ang bukas ngayong taon, pati na rin ang posisyon ng ombudsperson (tanodbayan). Isang pagkakataon ang paglingkod sa komiteng ito na palalimin ang iyong pakikipag-ugnayan sa kilusan, buuin ang iyong pamumuno at karanasan, at makipagtrabaho nang malapit sa iyong mga ibang kasamahan na interesadong tulungan ang kilusan na makamit ang mas higit na tama.

Makabuluhan ang tungkulin: inaasahan kang makidalo sa hindi bababa sa dalawang harap-harapang pulong bawa't taon na maaaring tumagal ng 4 araw, kasama ang pagsusuri ng higit sa 18 mungkahi at makabuluhang mga paunang dokumento bawa't taon. Para sa nakararaming kasapi ng komite, kasama rin sa pakikilahok sa mga pulong ng makabuluhan na pandaigdigang paglalakbay. Tandaan na pupulong ang komite sa San Francisco nang apat na araw mula 15-21 Nobyembre, kaya dapat kaya mong makilahok sa panahong ito.

Naghahanap kami ng isang grupo ng mga sari-saring tao na may sumusunod na katangian:

  • May karanasan ukol sa pagdirekta o pagsuri ng mga programa, sa loob o labas ng kilusang Wikimedia;
  • May karanasan ukol sa gawad (nakatanggap o nakapagpamahala ka ng puhunang gawad o may karanasan ka sa paggawad);
  • Kaalaman at pag-unawa, at personal na kredibilidad sa loob ng kilusang Wikimedia at sa mga proyektong Wikimedia (ibig sabihin, may karanasan ka sa mga programa ng Wikimedia, mga organisasyong Wikimedia, o may tungkulin ka sa wiki ukol sa pamumuno);
  • Sinisikap namin ang dibersidad ng kasarian, heograpiya at wika sa komite, pati na rin ang karanasan sa iba't-ibang mga tungkulin sa loob ng kilusang Wikimedia (hal. mga taga-ambag ng nilalaman, pinuno ng programa, pinuno ng mga grupo ng tagagamit, opisyal o punsiyonaryo, mga kasapi ng lupon sa mga sangay)

Upang makahanap ng karagdagang impormasyon, magnomina ng mga kandidato o maglathala ng iyong sariling nominasyon mangyaring bisitahin ang unang pahina ng halalan:

Maaari po kayong makipag-ugnayan sa akin kung may mga katanungan kayo.

Gumagalang,
Katy Love
Nakatataas na Opisyal ng mga Programa
Komite sa Pagpapamahagi ng Puhunan