VisualEditor/Newsletter/2015/Agosto
Basahin ito sa ibang wika • Talaan ng suskripsyon para sa multilinggwal na pahayagang palihan (newsletter) na ito
Alam mo ba?
Simula noong huling pahayagang palihan, nagsasaayos ang Editing Team sa mobile phone support. Naisa-ayos nila ang maraming bugs at pinabuti ang language support. Nagpopost sila ng lingguhang ulat sa status sa mediawiki.org. Naroroon na ang kanilang workboard sa Phabricator. Ang kanilang mga kasalukuyang priyoridad ay pagpapabuti ng language support at punsyonalidad sa mga aparatong mobayl.
Wikimania
Ang pangkat na pumunta sa Wikimania 205 sa Lungsod ng Mehiko. Doon, lumahok sila sa Hackaton at nakilala ang mga indibidwal at mga pangkat ng mga tagagamit. Nagsagawa rin sila ng maraming presentasyon tungkol sa VisualEditor at sa kinabukasan ng pag-edit.
Sa sumusunod na Wikimania, ipinahayag namin ang mga nanalo para sa VisualEditor 2015 Translathon. Aming pasasalamat at pagbati sa mga tagagamit na sila Halan-tul, Renessaince, जनक राज भट्ट (Janak Bhatta), Vahe Gharakhanyan, Warrakkk, at Eduardogobi.
Para sa mga interface messages (na isinalinwika sa translatewiki.net), nakita namin ang inisyatibang nakaka-apekto sa 42 wika. Ang katampatang progreso sa mga salinwika sa lahat ng mga wika ay 56.5% bago ginanap ang translathon, at 78.2% pagkatapos (+21.7%). Sa partikular, napabuti ang Yakuto (Sakha) mula 12.2% na nasa 94.2%; umangat ang Portuges Brasilenyo mula 50.6% na nasa 100%; ang Taraškievica na umangat mula 44.9% na 85.3%; ang Doteli mula 1.3% na nasa 41.2%. At habang napaglipasan na ang 1.7% ng mga mensahe sa lahat ng mga wika bago ginanap ang translathon, bumaba ang kabahagdanan sa 0.8% pagkatapos (-0.9%).
Para sa mga mensaheng pangdokumentasyon (sa mediawiki.org), nakita namin ang inisyatibang nakaka-apekto sa 24 wika. Ang katampatang progreso sa mga pagsasalinwika sa lahat ng mga wika ay 26.6% bago ginanap ang translathon, at 46.9% pagkatapos (+20.3%). Nagkaroon ng partikular na tanyag na mga nagawa para sa tatlong wika. Napabuti ang Armenyo mula 1% na nasa 99%; ang Sweko, mula 21% na nasa 99%, at ang Portuges Brasilenyo, mula 34% na nasa 83%. Ang mga nalipas na salinwika sa lahat ng mga wika ay nabawasan mula 8.4% bago ang translathon na nasa 4.8% pagkatapos (-3.6%).
Naglimbag kami ng ilang mga talaguhitan na ipinapakita ang epekto ng kaganapan sa pahina ng Translathon. Nagpapasalamat kami sa mga tagapag-salinwika para sa paglahok at ang mga tauhan ng translatewiki.net para sa pagpapasimula ng inisyatibang ito.
Mga kamakailang pagpapabuti
Maaari nang paganahin ang Auto-fill features for citations sa bawat Wikipedia. Gumagamit ang naturang kagamitan ng citoid service upang palitan ang URL o DOI na maging pre-filled at pre-formatted na siping pang-bibliograpiko. Maaari mong makita ang kumikilos na GIF ng mabilis at simpleng proseso sa mediawiki.org. Sa ngayon, mahigit-kumulang na dosenang Wikipedia ang nagpagana ng auto-citation tool. Upang paganahin iyon para sa iyong wiki, sundin ang mga tagubilin sa mediawiki.org.
Maaaring ipasadya ng iyong wiki ang unang bahagi ng special character inserter sa VisualEditor. Mangyaring sundin ang mga tagubilin sa mediawiki.org upang mailagay ang mga ninanais mong karakter sa bandang itaas.
Sa ibang mga pagbabago, kung kinakailangan mong ilagay ang CAPTCHA at nagkataong mali, maaari mong i-klik upang makakuha ng isang bago upang kumpletuhin. Maaari nang ipakita at baguhin ng VisualEditor ang Vega-based graphs. Kapag ginamit mo ang Monobook skin, higit na naaalinsunod ang anyo ng VisualEditor sa ibang software.
Mga darating na pagbabago
Babaguhin ng pangkat ang anyo ng mga piniling kawing sa loob ng VisualEditor. Ang layunin ay upang maging madaling makita kung nasa bandang loob o labas ng kawing ang kursor. Kapag pumili ka ng kawing, ang markang pangkawing (mga salitang nakalitaw sa pahina) ay nakapaloob sa isang faint box. Kapag inilagay mo ang kursor sa loob ng kahon, magiging bahagi na ng kawing ang iyong mga pagbabago sa markang pangkawing. Hindi naman, kung ilalagay mo sa labas ng kahon ang kursor. Magiging madali dito malaman kung ang mga bagong karakter ay maidadagdag sa kawing at kung hindi.
Sa Wikipedia Ingles, ang 10% ng mga bagong nilikhang akawnt ay iniaalok na sa parehong mga editor ng biswal at wikitext. Ipinapakita ng isang kamakailang kontroladong siyasat na walang makabuluhang pagkakaiba sa umiiral o produktibidad para sa mga bagong tagagamit sa maikling panahon. Ang mga bagong tagagamit na may akseso sa VisualEditor ay bahagyang may maikling pagkakataong nakagawa ng mga resulta na nangangailangan ng pagpapanumbalik. Maaari mo pang higit na malaman ang tungkol dito sa pamamagitan ng pag-nood ng video ng July 2015 Wikimedia Research Showcase. Ang bahagi ng mga bagong akawnt na may akseso sa parehong kagamitang pang-edit ay unti-unting dadami sa paglipas ng panahon. Sa huli ay magkakaroon ang mga bagong tagagamit ng pagpipilian sa pagitan ng dalawang kagamitang pang-edit.
Sabay-sabay nating pagsikapan
- Ibahagi ang iyong mga ideya at magtanong sa mw:VisualEditor/Feedback. Ang pahinang pangkatugunang ito ay gumagamit na ng Flow sa halip ng LiquidThreads.
- Marunong ka bang magbasa at mag-type ng Koreano o Hapones? Si David Chan, isang tagapagbalangkas ng wika, ay nangangailangan ng mga tauhang may kaalaman sa kung aling kagamitan ang ginagamit ng mga tao sa pag-type ng ibang wika. Kung nakakapag-salita ka ng Hapones o Koreano, maaari mo siyang tulungan sa pag-test support para sa mga wikang ito. Mangyaring tingnan ang mga tagubilin sa mediawiki.org kung maaari kang makatulong.
- Kung nais ng iyong wiki na paganahin ang VisualEditor sa ibang ngalan-espasyo, maaari kang humiling sa Phabricator. Mangyaring isama ang kawing sa isang diskusyong pang-komunidad tungkol sa hinihiling na pagbabago.
- Mangyaring magsagawa ng mga hiling para sa naaangkop sa wika na "Bold" at "Italic" na icons para sa menu pang-estilo sa Phabricator.
- Ang pangkat ng pagsisiyasat para sa pag-disenyo ay nais makita kung paano gumagawa ang mga tunay na editor. Mangyaring lumagda (sign up) para sa kanilang programang pang-siyasatan
- Ang lingguhang gawain ng pagpupulong para sa pag-uuri ay patuloy na bukas para sa mga boluntaryo, kadalasan tuwing Martes sa ganap na 12:00 (tanghali) PDT (19:00 UTC). Alamin kung paano lumahok sa mga pagpupulong at kung paano mag-nomina ng mga bugs sa mw:VisualEditor/Weekly triage meetings. Hindi mo na kailangan pang lumahok sa pagpupulong upang i-nomina ang bug para sa pagsasaalang-alang bilang isang Q1 blocker. Sa halip, pumunta sa Phabricator at "i-ugnay" ang pangunahing VisualEditor project na mayroong bug.
Kung hindi mo ito nababasa sa iyong ninanais na wika, mangyaring tulungan kami sa pagsasalinwika! Mag-suskribe sa Translators mailing list o kontakin kami, upang mapaalalahanan ka namin kapag nakahanda na ang susunod na isyu. Maraming salamat!