Pagpapalit ng tech/server
Pagpapalit ng serbidor - May parating na panahon na maaari mo lamang basahin ang iyong wiki na hindi tatagal nang masyado
Basahin ang mensaheng ito sa ibang wika • Please help translate to your language
Ililipat ng Pundasyong Wikimedia ang trapikong dumadaloy sa pagitan ng mga sentro ng datos (data centers) nito. Sisiguraduhin nito na mananatiling online ang Wikipedia at ang mga iba pang wiki ng Wikimedia kahit kung lumipas ang isang sakuna.
Ililipat ang lahat ng trapiko sa 19 Marso. Magsisimula ang pagpapalit sa 14:00 UTC.
Sa kasamaang palad, dahil sa limitasyon sa MediaWiki, kailangan munang ihinto ang lahat ng pagbabago habang ginagawa ang paglilipat. Humihingi po kami ng paumanhin para sa pagkagambalang ito, at sinisikap naming mabawasan ito sa mga susunod na panahon.
May ipapakitang bandera sa lahat ng mga wiki 30 minuto bago magsimula ang operasyong ito. This banner will remain visible until the end of the operation. You can contribute to the translation or proofreading of this banner text.
Makababasa ka, nguni hindi makakapagbago, ng lahat ng mga wiki sa loob lamang ng maikling panahon.
- Hindi ka makakapagbago ng hanggang sa isang oras sa Miyerkules 19 Marso 2025.
- Kung susubukin mong magbago o maglagak sa mga oras na ito, makakikita ka ng mensahe ng kamalian. Inaasahan namin na walang mawawala na pagbabago sa mga minutong ito, ngunit hindi namin ito maipapangako. Kung nakikita mo ang mensahe ng kamalian, mangyaring maghintay hanggang bumalik sa normal na ang lahat. Pagkatapos niyon ay maaari mo nang mai-save ang iyong edit. Pero, amin namin kayong pinapayuhan na gumawa muna ng kopya ng iyong mga pagbabago, upang makasigurado.
Mga ibang epekto:
- Babagal ang mga background job at maaaring tanggalin ang ilan. Maaaring hindi maisasapanahon ang mga pulang kawing ng kasimbilis ng normal. Kung maglilikha ka ng artikulo na nakakawing na sa ibang lugar, mas matagal na mananatiling pula ang kawing. Kailangang pahintuin ang mga ilang pangmatagalang iskrip.
- Inaasahan namin na ang mga code deployment ay mangyayari katulad ng sa anumang ibang mga linggo. Pero, may mga case-by-case code freezes na mangyayari sa tamang panahon kung kakailanganin nila ito pagkatapos.
- Hindi magagamit ang GitLab ng mga nasa 90 minutos.
Maaaring ipagpaliban ang proyektong ito kung kinakailangan. Maaari mong basahin ang iskedyul sa wikitech.wikimedia.org. Ihahayag ang anumang pagbabago sa iskedyul.
Mangyaring ibahagi ang impormasyon sa iyong pamayanan.