Leadership Development Working Group/Mga Nilalaman
This initial draft definition was published by the Leadership Development Working Group on September 15, 2022. The working group hosted a call for feedback to gather feedback about the draft. You can view the revised definition for the latest version.
Binubuong Kahulugan
Paunang Salita
Sa huling tatlong buwan, ang Leadership Development Working Group ay lumikha ng kahulugan ng pamumuno, kung saan nirerepresenta nito ang pagkakaiba-iba ng mga pangkomunidad na karanasan at perspektibo. Ang kahulugang ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagninilay, usapan, at pagbabahagi ng mga kwento at halimbawa mula sa iba't ibang komunidad. Naglalayon kaming makagawa ng isang pangkalahatang kahulugan na magrerepresenta na iba't ibang konteksto at kultura at natatangi lamang sa Wikimedia. Ngayon ay ibinabahagi namin ang kahulugang ito sa mga kasapi ng komunidad sa lahat ng nasasakupan ng Wikimedia upang mapakinggan ang kanilang mga komento at mapag-isa ang mga ito sa isang inklusibong kahulugan.
Malawak na pangkalahatang kahulugan
Ang pamumuno ay isang komplikado at napapag-usapang kaganapan na nagpapakita ng pagkakaiba-iba batay sa mga konteksto sa lingwistiko, sosyo-kultural at komunidad.
Ang pamumuno ay kadalasan na nakikita bilang isang kakayahan o katangian ng isang indibidwal, subalit, hindi ito nakatali sa isang espisipikong posisyon o katungkulan. Ang pamumuno ay maaaring ipakita sa kung paano ang isang grupo ng mga tao ay nagtatrabaho ng magkakasama, gumawa ng desisyon, magbahagi ng mga responsibilidad, at magpursige patungo sa iisang pakay at inaasam.
Ang pamumuno ay mauunawaan rin bilang ang kakayahang gumabay, magbigay ng inspirasyon, bumuo ng awtonomiya, maghikayat at mag-udyok sa isang grupo ng mga tao tungo sa isang magkakabaging hinaharap.
Tatlong kategorya kung paanong ang pamumuno ay higit pang mabigyan ng kwalipikasyon
- Mga ginagawa ng isang mabuting pinuno
- Pinapadali ang pagtatakda ng iisang pananaw sa pamamagitan ng maingat na pag-iisip, talakayan at paggawa ng desisyon.
- Paggabay at pagsuporta sa kolaboratibong paggawa ng desisyon para sa komunidad na lumikha ng mga napagkasunduang paraan para makamit ang kanilang mithiin.
- Paglikha at pagpapanatili ng isang nagbabahagiang espasyo para sa mga miyembro ng komunidad upang makagawa ng mga malikhaing ideya at mga bagong paraan ng paggawa ng mga bagay.
- Pagbuo at pagpapanatili ng tiwala sa loob ng komunidad sa pamamagitan ng pagiging hayag, inklusibo at awtonomiya ng grupo.
- Nagbibigay-inspirasyon, naghihikayat at nag-uudyok sa mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng positibong pag-impluwensya na mag-eksperimento at kumuha ng mga makatwirang pagsubok.
- Pinapadali ang pagtatanggal ng anumang mga hadlang upang matiyak na hindi sila magiging hadlang sa iba.
- Naghahangad na maunawaan ang mga kasanayan at interes ng iba pang mga miyembro ng komunidad upang masuportahan ang paggamit ng kanilang mga kalakasan na lumilikha ng espasyo sa pagpapabuti sa sarili.
- Mga katangian ng isang mabuting pinuno
- Katatagan: Kakayahang makayanan ang mga paghihirap at hamon sa pamamagitan ng pagsasalugar ng mga estratehiya, pagbabago ng mga pamamaraan at/o paghihinay-hinay.
- Patuloy na paglago: Kahandaang sumubok ng mga bagong paraan ng paggawa ng mga bagay at matuto mula sa mga pagkakamaling nagawa.
- Integridad: Pagsunod sa mga napagkasunduang pag-uugali at pamantayan.
- Pokus: Pagbalanse sa mga pangangailangan ng komunidad na may pangmatagalan at panandaliang mga layunin, pagsasama ng pinagkasunduan sa pamamaraan upang makamit ang mga layuning ito.
- Lakas ng loob: Kahandaang sumubok ng mga kalkuladong pagsubok, hindi natatakot na magkamali. Pagbibigay proteksyon sa mga miyembro ng komunidad na nasa proseso ng pagkakatuto mula sa kanilang mga pagkabigo. Pagsusulong ng tagumpay ng ibang tao.
- Pakikidamay: Kakayahang makadama ng mga damdamin, pangangailangan at kagustuhan ng iba at (muling) kumilos nang naayon sa rason.
- Pananagutan: Pagtanggap ng responsibilidad para sa isang hanay ng mga tungkulin; pagiging mapagpatnubay sa oras, lugar at mga taong may kaugnayan sa mga tungkuling iyon.
- Mga resultang nakamit dahil sa mabuting pamumuno
- Nakakapagbigay ang mga tao ng malikhaing mga ideya.
- Nakakagawa at nakakakamit ang mga tao ng iisang mithiin.
- Napapanatili ng mga tao ang bukas na kaisipan at pagiging mapanuri.
- Ang pagkakaroon ng pakiramdam na ang mga tao ay pinahahalagahan at pinakikinggan.