Tipang Kasulatan ng Kilusan/Mga Nagkukusang-loob
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Mga Nagkukusang-loob
Ang mga nakukusang-loob ay ang mga pangunahing tao ng kilusang Wikimedia, at may pagsasarili bilang mga umaambag sa pangitain ng Wikimedia. Ang isang nagkukusang-loob ay isang taong humahandog ng panahon at lakas sa mga gawain ng Wikimedia, online man o offline, at nag-e-edit ng project, mga tungkuling administratibo, pakikipag-ugnayan sa committee, pag-ayos ng kaganapan at iba pang gawain. Ang mga taong kumakayod bilang nagkukusang-loob sa kanilang kakayahan ay hindi tumatanggap ng kabayaran sa mga sinisikap na ito, ngunit maaaring sila ay makatanggap ng kapalit ng kanilang mga nagugol, mga gantimpala, mga kasangkapan, salop ng tustos at mga ibang anyo ng pagkilala o suporta.
Ang mga pagkukusang-loob ay ang mga nagbibigkis sa mga isahan o kolektibong kaganapan sa kilusan batay sa kanilang mga kinahihiligan, at dapat ay mabigyan ng lakas na makalahok kung kailan man maari.
Pananagutan
- Ang lahat ng mga nagkukusang-loob ay minarapat na sumunod sa mga patakaran ng Wikimedia at proyekto habang nag-aambag.
- Lahat ng mga nagkukusang-loob ay may pananagutan ukol sa kanilang mga naambag sa Wikimedia project at sila ay may kapanagutan sa kanilang mga siriling kilos.
Mga pamayanan ng Wikimedia
Ang mga pamayan ng Wikimedia ay mga kumpol ng mga tao na umaambag, online at offline, upang makapagbuo at makapagsulong ang layunin ng Wikimedia. Ang mga pamayanan ay kadalasang binubuo ng mga nagkukusang-loob, na sinasamahan ng mga bayarang kawani at mga kinatawan mula sa mga kasanib na kahanay sa layunin, at maaaring lumikha o suportahan ng mga committee. Kasama ng mga pamayanan ng Wikimedia ang iba't-ibang pamayanan ng mga project, pamayanan ng mga wika, at mga pamayanan ng teknolohiya/developer.
Ang mga pamayanang Wikimedia ay may mga sari-sariling patakaran sa kani-kanilang mga project. Ang mga pamayanang ito ay tinatag alinsunod sa mga patakarang nakaloob sa balangkas ng pandaigdigang patakaran, kabilang ang Mga Tuntunin ng Paggamit ukol sa website ng proyekto.[1] Ang pagsasariling ito ay nakapagbibigay ng mga pagkakataon para makapag-eksperimento at makabuo ng mga bagong pang-lipunan at pang-teknolohikal na diskarte. Inaasahan na magiging bukas ang mga pamayanan tungkol sa kanilang mga proyekto at ng pamamahala nito, upang ang lahat sa kilusan ay maaaring makapagtulungan bilang isang pandaigdigang pamayanan, nang matiyak na ang ating mga pamamaraan ay patas at walang kinikilingan. [2] Halos lahat ng mga pasyang ginagawa sa mga nagsasariling proyekto ng Wikimedia ay hango sa mga nagkukusang-loob contributor nito, nag-iisa man o bilang samahan.[3]
Karapatan
- Ang mga pamayanan ng Wikimedia ay may ganap na pamamahalang editoryal sa nilalaman ng kanilang sariling project sa Wikimedia kagaya ng itinatag ng nakabalangkas sa mga pandaigdigang patakaran, kabilang ang Mga Tuntunin ng Paggamit ukol sa mga website ng proyekto ng Wikimedia.
- Ang mga pamayanan ng Wikimedia ay namamahala sa kanilang sariling paglutas ng hindi pagkakaunawaan at mga pamamaraan ng pagmo-moderate, hangga't ang mga pamayanan ay hindi lumalabag sa mga pandaigdigang patakaran.[4]
Mga panagutan
- Ang mga pamayanan ng Wikimedia ay dapat maging bukas sa pakikilahok ng buong pamayanan, at sa pamamahala nito. Ang sinumang sumusunod sa mga patakaran at may sapat na panahon at kasanayan ay dapat pahintulutan, at hikayatin, na lumahok.
- Dapat tiyakin ng mga pamayanan ng Wikimedia ang pagiging patas at pantay sa pamamahala at pagpapatupad ng patakaran upang mapanatili ang pangkalahatang kalusugan ng pamayanan.
- Upang mapayagan ang isang bukas na pamamaraan ng pagsusuri ng mga proyektong Wikimedia, ang mga pamayanan ng Wikimedia ay may pananagutan sa pagbibigay ng totoo at tapat na kaalamn tungkol sa kinalalagyan ng pamamahala ng naturang proyekto.
Mga nai-Tala
- ↑ Kabilang sa iba pang mga halimbawa ng patakaran ang Universal Code of Conduct (UCoC), Privacy, CheckUser, at paglilisensya.
- ↑ Ang bukas na pamamaraang pagsuri ay kinakailangang maging maari sa bawat pamayanan.
- ↑ Ang tinutukoy nito ay yoong mga "nagpapakita" upang makalahok sa paggawa ng kapasyahan, ukol man sa pagbabago ng nilalaman o patakaran nito.
- ↑ Ang mga patakaran ng pamayanan ay hindi maaaring sumasalungat sa mga pandaigdigang patakaran o sinusundang mga batas.