Diskarte ng Kilusan/Pansamantala na Pandaigdigang Konseho

This page is a translated version of the page Movement Strategy/Interim Global Council and the translation is 100% complete.

Ang Interim Global Council (IGC) ay isang inisyatiba mula sa Movement Strategy recommendation 4. Ito ay inilarawan bilang isang pansamantala lamang na komite upang suriin ang pagbuo ng isang Movement Charter at pagtatatag ng isang Global Council, at upang subukang matantya ang tungkulin sa pagpapatupad ng Movement Strategy. Ang IGC ay nirarapat na kumakatawan sa pagkakaiba-iba ng kilusan; at bukas at malinaw na makikipagtulungan sa mga pamayanan. Ang IGC ay kusang mabubuwag kapag ang Global Council ay nailunsad na, ayon sa Tipang Kasulatan ng Kilusan.

The inaasahang pananagutan ng Interim Global Council na iguhit ang Tipang Kasulatan ng Kilusan (Movement Charter) ay inilipat sa Movement Charter Drafting Committee.

Mga Pananagutan

Ang IGC ay isang pansamantalang komite at mabubuwag ito matapos na matapos ang Tipang Kasulatan ng Kilusan (Movement Charter) at naitatag ang Global Council. Ang IGC ay hindi tuwirang magiging Global Council.

Sa pag-aayos ng mga tagubilin; mga pamayanang kinikilala sa pagkakaroon ng kumakatawang Global Council ay isang madaliang pangangailangan sa Kilusan. Ang Global Council ay itinatag sa pamamagitan ng Movement Charter. Dahil ang Tipang Kasulatan ng Kilusang ay maaaring magtagal na maisulat ito, ang IGC ay naisip bilang isang pansamantalang lunas upang makalikom ng pagpapatupad at upang magkaroon ng mga pamayanan na tuwiran ay nakikibahagi sa kanyang pamamahala.

Ang pagsasagawa ng Interim Global Council ay napagusapan sa iba't-ibang mga kaganapan ng Wikimedia, kasama nito ang online Global Conversations noong ika-23 hanggang ika-24 ng Enero 2021.

Magbuo ng Tipang Kasulatan ng Kilusan

Main article: Movement Charter

Ang IGC dati-rati pa ay inaasahang magmamatyag sa paghubog ng Movement Charter, kasama ng pagdulog sa mga pamayanan, mga kapisanan at mga dalubhasa sa iba't-ibang mga larangan. Ang Movement Charter ang magsasaad ng mga kahalagahan, paninindigan at mga patakaran sa mga bago at mga dati nang istraktura ng Kilusan, tulad ng Global Council. Ang tungkulin na ito ay kasalukuyang hinahawakan ng Movement Charter Drafting Committee.

Paglipat ng mga tungkulin

Ang IGC ay maglalaan ng isang makasarinlan at malinaw na pamamaraan, kasama ang isang malayang legal na pagsusuri, upang mailipat ang ilang mga katungkulan at kapangyarihan sa mga angkop na kapulungan ng mga kilusan. Sa paraan na ito, ang IGC ay makikipag-ugnayan sa Board of Trustees upang matukoy ang mga sinasakop ng kasalukuyang mga katungkulan na dapat ay mailipat upang makamit ang mga layunin ng mga naibigay nang mga payo. Ang mga pananagutan ng Global Council na darating ay isasama sa mga umiiral na katungkulang kinilala ng Interim Global Council, na kailangang maitalaga ng Board.

Pagmatyag ng pagpapatupad sa Movement Strategy

Ang IGC ay gaganap sa isang pangunahing larawan na tumataguyod sa pagpapatupad ng Movement Strategy.

Mungkahi na panahon

  • Nobyembre 2020: Umpisa ng mga usapan tungkol sa pagtataguyod ng isang Interim Global Council
  • Disyembre 2020: Pandaigdigang paghugis at pagsaklaw
  • Enero - Pebrero 2021: Patuloy na pag-saklaw, nakatuon na pagsusuri
  • Marso 2021: Pagsasaayos

Mga Mapag-iisipan

Magkasimbigat na hatian ng pagkikilala sa mga kinatawan at ang pag-uukol ng mga gawain

Puspusang pagtaguyod sa mga nahihirapang pangkat at mga baguhang pamayanan ng Wikimedia

  • Maunawaing pagtatantya sa kinakailangang iniuukol na oras
  • Kabayaran sa paglahok (e.g. data / internet, childcare)
  • Taguyod sa Pagsasalin
  • Pagsukat sa mga kasalukuyang pribilehiyo sa loob ng Kilusan at labis na pagkukubra

Mga mapagkukunan at tulong para sa mahusay na pagkilos ng IGC

  • Mga kawani; mapagkukuhanang "expertise"
  • Panahon ukol sa team building / onboarding
  • Pagtatalaga ng mga tungkulin

Mga Global Conversation at mga pasundan

 
Isang dahon na buod ng mga Global Conversations.

(1) Kabuoan

  • Ipaliwanag ang mga kakayahang nirarapat, upang maihatid ang mga gawain
  • Tukuyin ang mga pangkat at tinig na kailangan ay matunghayan
  • Ipaliwanag ang laki at lawak ng isang pansamantalang estruktura upang kanyang magawa ang mga dapat
  • Ipaliwanag ang "process - selection / election / appointment / combination"

(2) Pagpapatakbo at mga Dapatin

  • Pagsukat ng mga success criteria - ano ang mga dapat, ang mga maari, at ang mga kailangang magawa ng IGC?
  • Pagpasya sa kung ano ang higit na kinakailangan, hal.: ang pagsulat ng Tipang Kasulatan ng Kilusan (Movement Charter) o ang pagpapairal ng Diskarte ng Kilusan (Movement Strategy)
  • Isang IGC na dala nito ang lahat ng mga katungkulan, o
  • Tatlong pangkat na tutuon sa mga tiyak na gawain, tulad ng (1) Movement Charter, (2) pagtataguyod ng Global Council, at (3) pagmatyag ng Movement Strategy
  • Linawin ang mga pamantayan at paraan sa pagpapatunay ng Movement Charter

(3) Pagkakasama