Tipang Kasulatan ng Kilusan/Nilalaman/Mga Pinagpapahalagaan at Paninindigan
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Ang Wikimedia Movement ay kumakatawan sa isang makatotohanan (factual), mapapatunayan (verifiable), bukas (open), at mapag-aruga (inclusive) na pag-uugali sa kaalaman. Ang mga plataporma ng Wikimedia ay naghahatid ng kaalaman sa isang pandaigdigang madla, at ang mga proyektong kanilang kinaiingatan ay hinihimok ng independiyenteng pagsimulain. Ang mga patakaran at pang-araw-araw na kinagagawian nito ay ginagabayan ng mga balansyadong kahalagaan mula sa Movement Strategy Principles — Movement Charter — tulad ng ginagawa sa mga pamayanan sa bawat dako, na nagbibigay-kapangyarihan sa lahat ng Wikimedians na makilahok ng pantay-pantay.
Ang mga Pinagkakahalagaan at Paninindigan ay kumikilala na ang diskarteng ito sa pagbabahagi ng kaalaman ay isang sama-samang pakikipagtulungan, at naglalayong panatilihin ang pansin sa:
Libre at bukas na kaalaman
Nagbabahagi ang Wikimedia Movement ng lahat ng nilalaman nito, ng kanyang mga software, lahat ng mga platform nito sa buong mundo — gamit ang bukas na pagli-lisensya. Nangangako rin ito na isasama nito ang mga kaalamang dati ay na-"marginalize" —gayundin sa loob ng mga proyekto nito.
Kalayaan
Ang Wikimedia Movement ay nagsisikap na gumana nang malaya, nang walang anumang kinikilingan na makakagambala sa layunin ng libreng kaalaman. Ang kilusan ay hindi pinpatakbo ng komersiyalismo, politika o iba pang mga impluwensya sa pananalapi o promosyon.
Pagbubukas-loob
Pinahahalagahan ng Kilusang Wikimedia ang isang kapaligiran na kung saan maaaring makilahok ang lahat, at makilikha ng isang pananaw na makatao. Ang mga proyekto ay ipinakita sa maraming wika, at itoý naaabot sa magkakaibang mga platform na may unibersal na disenyo at nakakatulong na teknolohiya. Ang batayan ng gawain ito sa kilusan ay ang paggalang sa pagkakaiba-iba at ang karapatan ng mga pamayanan. Upang magawa ito, ang mga tao sa kilusan ay nagtatatag at nagpapatupad ng mga alituntunin ng pag-uugali, na pantulong sa Universal Code of Conduct, upang madama ng lahat na sila'y hinahalaga at isinasamang kapantay.
Subsidiarity
Ang Wikimedia Movement ay nagbibigay-tiwala ng awtoridad sa mga pinakamalapit o lokal na antas na angkop — kapwa sa mga plataporma at sa pamamahala ng organisasyon. Sa gayon, tinitiyak ng kilusang Wikimedia ang kakayahang pangangasiwa sa sarili at awtonomiya ng mga pamayanan (communities) — alinsunod sa mga pinagkakahalagaan ng pandaigdigang kilusan.
Pagkapantay-pantay
Ang Wikimedia Movement ay nagbibigay-daan mga pamayanan (communities) ng isang sanlibutang hindi pantay-pantay, sa pamamagitan ng pagkilala sa pagkakaiba-iba ng mga hamon na kanilang kinakaharap. Ang mga karapatang digital sa seguridad at privacy ng mga user at kalahok nito ay isang priyoridad para sa kilusan sa kabuuan. Ang kilusan ay nagsasagawa ng mga maliksing hakbang ukol sa pagpapantay ng kaalaman, at sa paglalaan ng mga mapagkukunan — sa pamamagitan ng desentralisadong pangangasiwa at pagbibigay-kapangyarihan sa mga pamayanan.
Pananagutan
Pinapanagot ng Kilusang Wikimedia ang sarili sa pamamagitan ng "transparency" ng mga nakabahaging dokumentasyon na maaring ma-edit kung makakaya; pampublikong paunawa at pag-uulat ng mga programa at aktibidad; at ang pagbibigay-priyoridad sa mga boses na kumakatawan sa pamumuno ng pamayanan ukol sa mga dapat gampanan at mga pananagutan na nakasaad sa charter.
Katatagan
Ang Wikimedia Movement ay nagkakabuhay sa pamamagitan ng pagbabago at pakikisubok, sa patuloy sa pagsasariwa ng pananaw kung ano mang plataporma para sa libreng kaalaman ang maaari. Ang kilusan ay nagsusumikap ng mga epektibong estratehiya at kasanayan na maaring suportahan at madala sa pamamagitan ng makabuluhang ebidensyang nakabatay sa sukatan kung saan maari. Ang mga tao sa Wikimedia Movement ay nagtataguyod ng kultura ng pagpapanatili sa mga istruktura at mga pamayanan nito.