Tipang Kasulatan ng Kilusan/Nilalaman/Pandaigdigang Konseho
This was a historical draft of the Wikimedia Movement Charter. The latest version of the Charter that is up for a global ratification vote from June 25 to July 9, 2024 is available in the main Meta page. We thank the stakeholders of the Wikimedia movement for their feedback and insights in producing this draft. |
Nakalipas
Ang estruktura at daloy ng gawain ay binago upang maitalaga ang mga kapangyarihan ng pagpapasya sa Global Council. Ang layunin ng pagbabagong ito ay upang maipamahagi ang kapangyarihan sa loob ng kilusan. Kasama sa kilos na ito ay ang paghugis ng mga bagong istruktura at pag-pabuti ng mga dating istruktura. Ang karamihan ng pag-uulit sa pamamahagi ng kapangyarihan ay ang paglipat nito mula sa Wikimedia Foundation (WMF) at sa Board of Trustees, patungo sa Global Council.
Kahulugan
Ang Global Council ay isang katawan ng pamamahala (governing body) na mananagot sa pagbuo at pagpapatupad sa diskarte ng kilusan (movement strategy), kabilang ang taunang ulat ukol sa mga pandaigdigang prayoridad sa diskarte ng kilusang Wikimedia. Ang katawan na ito ay binubuo ng mga nag kusang-loob (volunteers) at mayroong taguyod ng mga kawani. Ang mga boluntaryo sa Global Council ay nagmula sa magkakaibang hanay ng mga stakeholder ng kilusang Wikimedia. Pinapabuti ng Global Council ang pananagutan (accountability) at paglilinaw (transparency) ukol sa paggawa ng pasya (decision-making) sa buong kilusan. Naalis na ang salimuot sa pagkuha sa mga mapagkukunan ng Kilusan; at ang mga kasapi at pamayanan ay binigyan ng kapangyarihan sa pag-aasam na mapangalagaan ang tiwala sa pagitan ng mga stakeholder. Isinasagawa ng Pandaigdigang Konseho (Global Council) ang mga pakay nito sa pamamagitan ng paglikha ng mga pamantayan at layunin para sa mga komite ng buong kilusan; at pagbigay ng pamamatyag (oversight), pagpapasya (decision-making) at susundan (directives).
Layunin
Ang Global Council ay binuo upang maitaguyod ang walang humpay na gawain (sustainable work) at paglago sa loob ng kilusan. Sa bagay na ito ang Global Council ay nagtatakda ng mga pananagutan, upang bigyang kapangyarihan ang mga pamayanan sa mapantay na paraan.
- Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay magbibigay-payo sa Wikimedia Foundation sa pangangalap ng pondo (fundraising), upang makakuha ng mga mapagkukunang pinansyal (financial resources) para sa kilusang Wikimedia, alinsunod sa adhikain (mission) at mga pinahahalagahan (values) nito.
- Ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay magtatatag ng mga pamantayan at patnubay tungkol sa patas na pamamahagi ng mga pondo upang masuportahan ang mga proyekto (projects), pamayanan (communities), kaakibat (affiliates), (hub), at iba pang entidad ng kilusang Wikimedia.
- Titiyakin ng Pandaigdigang Konseho ang mapagkapwa (inclusive) at malinaw na paraan ng pagpapasya, sa pagbibigay ng patnubay (providing guidance) at pagsasagawa ng mga limitadong pananagutang ehekutibo (limited executive responsibilities) sa mga "cross-movement" na entidad.
- Ang Pandaigdigang Konseho ay lilikha o kaya ay magbabago ng mga komite, para sa pangkalahatang pamamahala (general management) ng mga kaakibat (affiliates) at mga (hub).
- Ang Global Council ay lilikha ng mga paraan upang hindi maging masalimuot ang pagabot ng mga indibidwal sa mga mapagkukunan (financial, human, knowledge), at mabigyan ng kapangyarihan ang mga pamayanan sa patas na paraan.
- Titiyakin ng Global Council na magtatakda ito ng pananagutan sa mga proseso, sa pamamagitan ng mga pamantayan sa pag-uulat.
Mga Pananagutan at Kaugnay na Kapangyarihan
[Paalala sa mambabasa: Ang mga kapangyarihang binabanggit sa ilalim ay malawak, mula sa mga talakayan ng MCDC. Lahat ng mga ito ay mangangailangan ng karagdagang paghihimay at paglilinaw, kung ipatutupad. Ang ilang mga pananagutan ay may mga tala ng mga kilalang legal na alalahanin ng WMF.]
Pag-apruba ng mga bagong proyekto sa wika - pagtatakda ng mga pamantayan
- Ang Language Committee (LangCom) ay nag-uulat sa Pandaigdigang Konseho (Global Council). Ang Global Council ay gumagawa ng mga pang-huling pagpapasya sa anyo at istraktura ng LangCom, na napapailalim sa mga probisyon sa loob ng Tipang Kasulatan (Movement Charter).
- Maaaring baguhin ng Global Council ang mga kinakailangan upang makilala ang mga proyekto sa wika.
- Maaaring piliin ng Global Council na payagan ang LangCom na direktang kilalanin ang mga bagong proyekto ng wika, o kaya ay panatilihin ang awtoridad na ito para sa kanya.
- Sa bagong istrukturang ito, ang LangCom ay inatasang i-verify na ang mga iminungkahing proyekto ay sapat at laki at maitataguyod.
Pag-apruba sa mga bagong "sister projects" — nangangailangan ng "sign-off"
- Ang Global Council ay may karapatan na aprubahan ang anumang bagong kapatid na proyekto (sister project) para sa Kilusan. Ang pasya ay ibabatay sa rekomendasyon ng Tech Council at pag-endorso mula sa host ng bagong proyekto. Sa kasalukuyan, ang WMF ang host ng lahat ng mga proyekto.
- Isasaalang-alang ng Global Council ang teknikal at "resourcing viability" mula sa Technology Council & Project host — at titingnan din kung ang proyekto ay naaayon sa mga kahalagaan (values) ng Kilusan. Susuriin din ng Global Council kung mayroon itong sapat na taguyod, ukol sa mga tuntunin ng mga potensyal na aktibong editor.
- [Paalala: ang katangian ng pananagutan na ito ay maaaring mabago pagkatapos ng paglikha ng Sister Projects Task Force.]
Pagsara ng mga proyektong pangwika at sister projects
- Ang Global Council ay may kapangyarihan na i-veto ang mga desisyon na isara ang isang lingual project. Maaari itong magtakda ng sarili nitong mga pamantayan sa pagpasya ng mga ganitong bagay. Kung saan hindi ito bumoto, ang Komite ng Wika (LangCom) ang magdadala ng desisyon.
- Ang isang pagsang-ayon na boto ng Global Council ay kinakailangan upang tuloy na isara ng isang kapatid na proyekto (sister project). Ang Global Council ay maaaring magtakda ng karagdagang pamantayan bago bumoto. Ang maaring pagpapatuloy ng isang proyekto at ang pangangailangan ng pagsasara ay malawakang susuriin, bago magpasya ang Global Council.
- Ang Global Council, sa pamamagitan ng LangCom, ay magkakaroon ng awtoridad na magtakda ng mga pamantayan upang isara ang isang proyekto ng incubator. Sa kawalan ng pagkilos ng Global Council, ang LangCom ay magpapatuloy na tumakda ng sarili nitong mga pamantayan.
Konseho sa Teknolohiya
Ang Technology Council ay nasa napakaagang talakayan. Dahil dito, ito ay hindi gaanong detalyado kumpara sa ibang mga panukala; at makikinabang ito mula sa mga kuro at naiisip ng pamayanan.
- Makikipagtulungan ang Global Council sa pangkat ng WMF Product & Technology, at sa mga pamayanan ng mga "tech contributor" upang maitatag ang Technology Council. Ang huling pasya sa istruktura at kayarian ng Technology Council ay gagawin ng Global Council.
- Ang Technology Council ay mag-uulat sa Global Council. Ito ay magsisilbing tulay sa pagitan ng Global Council, WMF, at mga teknikal na pamayanan.
- Ang Technology Council ay magkakaroon ng pinagsamang mandato (combined mandate), kabilang ang:
- Pagpapauna sa pag-unlad ng mga ng teknikal
- Malawak na mga plano sa pagpapaunlad kung paano makakamit ang mga priyoridad na ito
- Pagpapabuti ng pamamaraan para sa pangangalap at paggamit ng kuro (feedback) sa teknikal na pag-unlad
- Ipapanukala ng Technology Council ang mga priyoridad at plano nito sa Global Council. Ang Global Council ay may kapangyarihang aprubahan o tanggihan ang mga panukala.
Pagkilala (recognition) at pagbawi ng Pagkilala (derecognition) ng mga kaakibat: pagtatakda ng pamantayan at maingat na pagpapasya
- Ang Global Council ay kikilala at babawi din ng pagkikilala ng mga kaakibat sa pamamagitan Affiliations Committee. Maaari itong magtakda o magbago ng mga pamantayan upang matugunan ng mga kaakibat tungo sa pagkilala; upang mapagpatuloy ang kanilang pagkilala; at upang makatanggap ng mga gawad. Ang mga pangunahing pamantayan ay iko-codify sa Tipang Kasulatan (Movement Charter).
- Ang Affiliations Committee (AffCom) ay nag-uulat sa Global Council. Ang Global Council ang gumagawa ng mga huling kapasyahan sa anyo at istruktura ng AffCom, batay sa mga probisyon ng Movement Charter.
- Maaaring piliin ng Global Council na payagan ang AffCom na direktang kumilala ng mga kaakibat o panatilihin ang awtoridad na iyon para sa sarili nito.
- Sa bagong istrukturang ito, ang AffCom ay inaatasan na magpatunay na ang mga kaakibat ay aktibong tumutulong sa paggana ng mga proyekto.
- Bilang karagdagan, ang AffCom ay nangangalap at sinusuri ang ebidensya para sa pag-alis ng pagkakakilala sa isang kaakibat, at nagsusumite ng mga rekomendasyon. Ang mga ito ay maaring tanggapin o tanggihan ng Global Council.
- Pinapanatili ng WMF Board of Trustees ang kakayahang alisin sa pagkakakilala (derecognize) ang mga kaakibat (affiliate) para lamang sa maling paggamit ng mga trademark, legal, o mga kilos sa matinding pangangailangan (emergency actions). Maliban sa mga kagyat na pagkakataon, ang kasunduan ng Global Council ay hahanapin sa pasyang ito.
- Mayroong tatlong kategorya ng affiliation: mga chapters, Thematic Organizations, at User Groups. Ang paglikha ng mga bagong kategorya ng kaakibat ay nakalaan sa Global Council/AffCom sa pagtanggap ng WMF Board of Trustees.
Pagkilala (recognition) at Pagbawi ng Pagkilala (derecognition) ng mga Hub: pagtatakda ng pamantayan at direktang paggawa ng desisyon
- Maaaring baguhin ng Global Council ang mga kinakailangan upang makilala ang mga Hub, patuloy na makilala, makalikom ng pondo, at makatanggap ng mga gawad. Ang mga pangunahing pamantayan ay magiging naka-codify sa Movement Charter.
- Ang Global Council ang may pananagutan sa pagkilala at pag-alis ng pagkilala sa mga Hub.
- Pinalawak ang saklaw ng AffCom upang suriin ang Hubs. Ang komite ay inatasan sa pangangalap ng ebidensya at pagsusuri ng pamantayan, at magsumite ng mga rekomendasyon sa Global Council ukol sa pagkilala.
- Pananagutan ng AffCom na suriin ang paggana, kapasidad at pagsusuri ng anomang ebidensya sa mga hub bago magsumite ng mga rekomendasyon sa Global Council para sa derecognition ng isang hub.
- Pinapanatili ng WMF Board of Trustees ang kakayahang alisin sa pagkilala ang mga Hub dahil lamang sa maling paggamit ng mga trademark o legal na kinakailangang aksyon. Maliban sa mga kagyat na pagkakataon, ang kasunduan ng Global Council ay hahanapin sa desisyong ito.
- Nakikipagtulungan ang Global Council, sa kapwa mga Hub at mga nauugnay na koponan (team) sa loob ng WMF, upang paganahin ang "cross-hub" na kooperasyon atsaka, kung kinakailangan, anumang pamamagitan.
Pag-unlad ng mga Affiliate at Hub
- Susubaybayan ng Global Council ang gawain sa pagsusulong ng Kilusan sa pamamagitan ng koordinasyon ng AffCom at Hubs.
- Pangunahing pananagutan ng AffCom ang paggabay sa pagbubuo ng organisasyon; at sa pagtiyak na susundin ang mga prinsipyo ng mabuting pamamahala.
Pangangalap ng pondo
- Ang Global Council ay hindi makakalikom ng pondo sa anumang paraan.
- Ang Global Council, kasama ang taguyod mula sa Wikimedia Foundation, ay bubuo ng isang patakaran na naaangkop sa lahat ng "Movement entities" sa palibot ng fundraising. Kabilang dito ang mga panuntunang maaaring iakma sa lokal na konteksto at mga pangangailangan.
- Magtutulungan ang Global Council at WMF sa mga pamamaraan upang i-coordinate ang pangangalap ng pondo ng Kilusan.
Pamamahagi ng mga Pondo
- Ang Global Council ay maglalabas ng rekomendasyon sa WMF Board of Trustees patungkol sa mga pamantayan para sa pagtatalaga ng bahagi ng kabuuang sentral (total central revenue) na kita sa mga pangkalahatang pondo ng komunidad (community general funds), mga komite ng pondo ng rehiyon (regional fund committees), at anumang cross-regional na pamamahagi ng mga grant.
- Ang mga rehiyonal na komite ng pondo (regional fund committees) ay mag-uulat sa Global Council upang ipakita na ang mga kinikilos nito ay mabisa (effective), patas (equitable), at may pananagutan (accountable).
- Mga Bukas na katanungan ukol sa Pamamahagi ng Pondo
- Ano ang gagampanan ng Global Council sa pamamahagi ng pondo?
- Pagmamatyag o pagsusuri ng mga kapasyahan ng WMF
- Pakikipag-Koordinasyon sa WMF
- Iba pa (paki-paliwanag)
- Dapat bang magkaroon ng isang komite na mag-uulat sa Global Council, na tatalakay sa pamamahagi ng central/cross-regional fund?
- Ano ang dapat na maging tungkulin ng Global Council ukol sa paglalaan ng mga pondo sa loob ng WMF?
- Dapat makonsulta ang Global Council sa paglalaan ng mga pondo sa loob ng WMF.
- Ang Global Council ay dapat walang tungkulin sa paglalaan ng mga pondo sa loob ng WMF, at ipagaalaman lamang.
- Iba pa (paki-paliwanag)
Mga Global Site Policies - ang panukalang ito ay binawi dahil sa pag-veto sa mga legal na alalahanin
Buod ng inalis na panukala: ang Global Council ay magiging kasosyo sa pagkonsulta sa mga pagbabago ng WMF sa mga pandaigdigang patakaran. Maaaring tanggihan sila ng Global Council maliban kung sila ay may legal na ipinag-uutos.
Pangangatwirang humahantong sa panukalang ito: noong panahon ng pre-MCDC, nagkaroon ng pagnanais na ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay mamagitan upang bawasin ang madalas na mga hidwaan ng Communities/WMF. Nangyayari ang mga hindi pagkakaunawaan dahil sa ilang kadahilanan — at ang mga nakaplanong pagsisikap na mapabuti ang konsultasyon at mga aspeto tulad ng Technology Council ay maaring makatulong. Gayunpaman, ang mga pandaigdigang patakaran at pagkilos sa kanilang paligid ay nagdulot ng mga nakaraang hindi pagkakaunawaan, at naramdaman ng MCDC na mapipigilan nito ang mga isyu na tulad nito sa hinaharap.
Buod ng mga legal na batayan sa pagtanggal: karamihan sa mga aksyon sa pandaigdigang patakaran ng WMF ay nakabatay sa "risk analysis / judgment call" (pagsusuri / paghusga) — hindi sa isang maliwanag na interpretasyon. Nagkaroon din ng pag-aalala na may mga ilang patakaran na ipinatupad upang maiwasan ang mas maraming problemadong batas na malikha (to prevent more problematic legislation being created").
Kahilingan: Para sa isang alternatibong panukala na maaaring magbawas, kung hindi man maalis, ang mga malalaking hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng pamayanan at WMF tungkol sa mga pandaigdigang patakaran sa hinaharap.
Kaligtasan ng taga-gamit
- Ang Global Council ay may katungkulang tagapayo hinggil sa kaligtasan ng mga taga-gamit, tulad ng pagtulong sa pagsasanay at pakikipagtulungan.
- Ang wastong maykapangyarihan ay mananatili sa kinasasakupan ng mga lokal na proyekto, Universal Code of Conduct Coordinating Committee (U4C), Trust & Safety, atbp.
Pamamagitan
- Ang Global Council ay magkakaroon din ng tungkulin na mamagitan sa mga suliranin kung saan may dalawa o higit pang mga kinatauhan ay hindi magkasundo ng makabuluhan. Ang Global Council ay gagampan bilang isang walang kinikilingang kinauukulan; na katulong sa paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan.
Pagkakatayo
[Paalala sa mambabasa: may mga pagkakataon na kung saan ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay magaanyaya sa mga pamayanan na magbigay ng kanilang kuro-kuro sa panahon ng pagko-konsulta sa pamayanan.]
- Bukas na Mga katanungan tungkol sa Istruktura
- Dapat bang umiral ang Global Council bilang executive body lamang? O dapat ba itong umiral bilang executive body na may Advisory Board? (Tingnan ang mga scenario sa ibaba)
- Kung ang Global Council ay magiging isang executive body na may Advisory Board, paano ilalagay ang mga kasapi ng magkapwa (executive body at advisory board)?
- Dahil sa laki nito, ang Pandaigdigang Konseho (Global Council) ay kailangang may taglay na pagkakaiba-iba (diversity) at lakas (strength), ngunit hindi ito dapat sa kawalan ng liksi (agility). Bilang isang "executive body", ilang kasapi ang dapat mabilang sa Global Council?
- Option 1: 9-13 mga kasapi
- Option 2: 17-21 mga kasapi
Scenario 1: Global Council bilang isang ehekutibong katawan (executive body)
Ang ehekutibong katawan ng Global Council ay binubuo ng dalawang tranche, ang XX upuan sa orihinal na "Tranche 1" at ang XX upuang sa orihinal na"Tranche 2".[1][2]
Tranche 1 | Tranche 2 | Hinirang | |
---|---|---|---|
Bilang ng mga kasapi | 5 halal ng pamayanan (community-elected) 3 halal ng kaakibat (affiliate-elected) |
5 halal ng pamayanan (community-elected) 2 halal ng mga kaakibat (affiliate-elected) |
2 (dapat 1 sa mga ito ay empleado ng WMF) |
Paraan ng Pagpili | Ang mga halal ng pamayanan (community-elected) na luklukan ay pagpipilian sa isang bukas at pang-madlang halalan. Malamang ay magkakaroon ng ilang limitasyon sa kadami-daming bilang ng mga proyekto. Pagpipilian ang mga mauupuan ng kaakibat mula sa parehong listahan ng kandidato, kung saan ang bawat chapter/tematiko at isang bahagi ng mga user-group ay tatanggap ng isang (1) boto. |
Pipiliin ng mga hinalal na kasapi ng Global Council. Magmumungkahi ang WMF ng kanilang mga kinatawan | |
Mga termino ng paglilingkod | Tiyakang 2 taon (2-year) na termino. Maaring may pagbubukod sa paunang "onboarding" ng Global Council at "re-balancing" ng tranche. | Pinakamahaba at ang karaniwang 2-taon na mga termino; haba ng termino ay maaaring iksian ng Global Council upang iayon sa halalan. | |
Representasyon/Layunin | Kinakatawan ng mga kasapi ang Kilusan sa kabuuan. Ang kanilang mga pakay ay ang mga tinutukoy ng layunin (mission) ng Global Council at mga pangangailangan at hiling ng mga botante. | Pangunahing dinisenyo upang magkaloob ng katangi-tanging kadalubhasaan at karanasan. |
Tranche | 2024 | 2025 | 2026 | 2027 | 2028 | 2029 |
---|---|---|---|---|---|---|
1 | 5 Kasapi | 5 Kasapi | 5 Kasapi | |||
2 | 5 Kasapi | 5 Kasapi | 5 Kasapi | |||
1 | 3 Kasapi | 3 Kasapi | 3 Kasapi | |||
2 | 2 Kasapi | 2 Kasapi | 2 Kasapi | |||
1 Kasapi | 1 Kasapi | 1 Kasapi | ||||
1 Kasapi | 1 Kasapi | 1 Kasapi |
Mga luklok na halal ng pamayanan (Community-elected) Mga luklok na halal ng kaakibat (Affiliate-elected) Luklok na hinirang (Appointed) Hirang ng WMF (WMF seat)
Scenario 2: Global Council bilang isang executive body na may advisory board
Ang Global Council ay magkakaroon ng advisory body; ang advisory body na ito ay magsisilbing "consultation body" para sa Global Council, gayundin bilang representasyon ng pamayanan. Ang katawan na ito ay magkakaroon sa pagitan ng 70-100 kasapi na pinili o hinalal.
- Scenario 2.1 Ang Advisory Board at Global Council ay kapwa susunod sa mga halalan
- Magkakaroong pagpipili (selection) o halalan (election) sa kapwa advisory board at sa Global Council executive board.
- ·Scenario 2.1.1
- Dalawang magkahiwalay na pagpipili (selection) o halalan (election): isa para sa advisory board at isa para sa Global Council executive body.
- ·Scenario 2.1.2
- Isang paraan ng halalan o pagpili, kung saan ang nangungunang 9-21 (depende sa hanay ng mga luklukang magagamit)na kandidato ay uupo sa Global Council executive body, at ang sumusunod na 70-100 kasapi ay bubuo sa advisory board.
- Scenario 2.2 Pipiliin ng Advisory Board ang executive body ng Global Council
- Ang advisory body ay pipiliin o ihahalal muna, at pagkatapos ay hihirangin ang 9-21 na kasapi (depende sa dami ng kakailanganin) mula kanilang pangkat — upang magsilbing executive body ng Global Council.
Mga Kasapi (Membership)
- Ang pangunahing grupo ng Global Council ay magkakaroon ng kabuuang XX na kasapi [may bukas na tanong sa itaas].
- 9-13 mga kasapi
- 17-21 kasapi
- Mga maaring paghihigpit sa pagiging kasapi ng Global Council, kabilang ang walang paghihigpit (tingnan ang mga katanungan sa ibaba).
- Maaaring magpahintulot ang Global Council nang hanggang dalawa (2) na WMF o WMF Board of Trustees bilang tagamasid, ngunit walang pribilehiyo sa pagboto.
- Ang mga kasapi ng Global Council ay maaaring mga kasapi din ng mga komite sa pag-uulat o mga subcommittee. Gayunpaman, kung ang anumang komite o subcommittee na nag-uulat sa Global Council ay walang kasapi ng Global Council, kailangan nilang magkaroon ng Global Council liaison.
- May isang (1) boto ang bawat kasaping botante sa anumang pasya ng Global Council.
- Ang mga kasapi ay dapat maglingkod sa Wikimedia sa kabuuan at hindi nagsisilbing kinatawan ng anumang sub-grupo, rehiyon, o entity sa loob ng Wikimedia.
- Ang bawat kasapi ay maglilingkod ng dalawang taon.
Bukas na mga katanungan tungkol sa pagiging Kasapi
Upang tiyakin ang patas na representasyon, balanse ng kapangyarihan, at isulong ang pagkakaiba-iba at pagkakaisa sa loob ng Global Council, hinihiling namin ang inyong mga kuro sa mga sumusunod:
- Dapat bang may mga limitasyon sa pagiging kasapi sa mga tuntunin na may kaugnayan sa representasyon ng kilusan?
Mangyaring ibahagi ang inyong mga kuro tungkol sa maaring mga pamantayan ng mga limitasyon na ito:
- Dapat bang magkaroon ng "regional cap"? Halimbawa — ang pinakamarami dapat ay tatlong (3) tao mula sa magkatulad na rehiyon. Kung totoo, mangyaring itukoy ang dahilan.
- Dapat bang magkaroon ng "project o entity cap"? Halimbawa — ang pinakamarami dapat ay dalawang (2) tao mula sa isang proyekto ng wiki o kaakibat? Kung totoo, mangyaring itukoy ang dahilan.
- Dapat bang magkaroon ng isang tiyak na hangganan para sa mga malalaking bilang ng [3] mga pamayanan, mga proyekto, o mga kaakibat? Halimbawa — hindi hihigit sa lima (5) na luklukan (seats) mula sa mga pinakamalalaking proyekto? Kung oo, mangyaring tukuyin ang kondisyon.
- Dapat bang may anumang iba pang mga paghihigpit sa pagiging kasapi ng Global Council? Kung oo, mangyaring tukuyin ang kakailanganin.
Pamamaraan ng Halalan
- Lahat ng nominasyon para sa bawat tranche ng halalan ay gagawin sa isang listahan ng kandidatura.
- Ang mga kasaping ihahalal ng pamayanan (community) ay pipiliian "at-large" gamit ang isang maililipat na sistema ng pagboto.
- Ang mga mapipiling luklukan (elected seats) ay pipiliin ng mga kaakibat (affiliates) gamit ang isang naililipat na sistema ng pagboto (transferable voting system), na ang bawat kaakibat ay tumatanggap ng isang (1) boto.
- Ang mga nangungunang kandidato sa pagraranggo ng kaakibat (affiliate) ay mahahalal — at aalisin sa listahan ng kandidatura. Pagkatapos nito, ang mga nangungunang kandidato sa pagraranggo ng pamayanan (community) ay ihahalal.
- Ang pamantayan (criteria) sa pagiging karapat-dapat (eligibility) na bumoto sa pamayanan ay dapat umayon sa mga sinanayunang pamantayan ng kilusan.
Mga pamantayan at limitasyon ng kandidato
- Kailangang matugunan ng mga kandidato ang pamantayan sa pagiging karapat-dapat ng botante upang makahain ng nominasyon sa halalan ng Lupon ng mga Trustees ng WMF
- Ang mga kandidato ay maaaring isang empleado ng WMF, kaakibat, o hub, o kawani/kontratista — ngunit kailangang malinaw na ibunyag ang mga impormasyong ito sa simula pa lang ng halalan.
- Ang mga kasapi ay hindi maaaring isang kawani sa panahon ng kanilang termino nang hindi nagbibitiw sa kanilang tungkulin.
- Ang mga kasapi ay maaari lamang magsilbi ng apat (4) na magkakasunod na taon — katumbas ng dalawang (2) buong termino — bilang isang pandaigdigang kasapi ng Konseho. Ang pagitan na anim na buwan (6 months) ang kailangang upang hindi maging magkasunod ang mga termino ng kasapi.
- Ang mga kandidato ay dapat na nasa mabuting katayuan sa pamayanan (community member in good standing). Ang ibig sabihin nito ay hindi sila kasalukuyang sinuspinde o kung hindi man ay pinipigilan sa paglahok.
- Ang mga miyembro ay inaasahang patuloy na lumahok sa mga kaganapan (activities) ng Global Council.
- Ang mga kasapi ay kailangang handa na lumagda at sumangayon sa mga tuntuning angkop sa patakaran ng pribadong impormasyon (privacy policy), kabilang ang isang kasunduan sa hindi pagsisiwalat (NDA).
Mga Limitasyon at Pangangalaga
[Ilalathala pagkatapos ng karagdagang pag-unlad sa mga kapangyarihan at pananagutan; sapagkat ang kinakailangang antas ukol sa paghihigpit at pag-iingat ay maaring magbabago sa mga ito.]
Appendix
- ↑ Appendix (pagpapatupad): Sa orihinal na pamamaraan ng halalan — ang anim (6) na pinakamataas na nahalal ng pamayanan (community) — at ang tatlo (3) na pinakamataas na nahalal ng mga kaakibat (affiliates) — ay makakatanggap ng tatlong (3) taong termino (three-year term) sa Tranche 1 — at ang mga nalalabing kasapi ay tatanggap ng dalawang taon (2 years) na termino sa Tranche 2. Sa katapusan ng ikalawang taon, ang Tranche 2 ay magbubukas ng kasunod na halalan, kung saan ang mga nahalal ay tatanggap ng dalawang taong termino (2-year term).
- ↑ Appendix (pagbibitiw): Kung sakaling may magbitiw sa tungkulin (o ibang pagkakatanggal sa posisyon) sa isang termino, ang luklukan na iyon ay pagkakaroonan sa susunod na halalan. Kung ang isang shift ay magiging sanhi ng pagdami ng Tranche na iyon sa siyam (9) na kasapi, ang karagdagang naka-lukluk ay bibigyan ng isang buong termino. Kung ang isang Tranche ay lalago sa 10+ upuan, samakatuwid ang mga papasok na kasapi na nasa ilalim ay tatanggap ng isang taong (1) termino.
- ↑ mga aktibong editor ng mga proyekto at mga bumobotong kasapi ng mga kaakibat
Karagdagang Pagbabasa
- External legal feedback ukol sa draft na kabanata sa foundationwiki
- Wikimedia Foundation's legal feedback ukol sa draft nitong kabanata sa foundationwiki (15 August 2023)
- ang mga sagot ng Wikimedia Foundation sa mga katanungan tungkol sa mga pananagutang legal sa foundationwiki (5 Enero 2024)