Fundraising 2011/Jimmy Letter 001/tl

Translation instructions
  • For pages marked "Missing" or "In progress", click the page title and start translating. When you are done, click "edit status" and change the status to proofreading.
  • For pages marked "Needs updating", compare the page to the source page and update the translation accordingly. When you are done, click "edit status" and change the status to proofreading.
  • It is important to have someone else proofread the translated page! If you have proofread a page and it is ready for publication, click "edit status" and change that page's status to ready.
  • If you are changing something that has already been published, change its status back to ready for it to be published again.

If you have any questions or feedback regarding the translation process, please post them here. Translation FAQ

Ako'y isang kusang-loob.

Hindi ako binabayaran kahit isang sentimo para sa mga gawain ko dito sa Wikipedia, at maski na ang ating libu-libong mga kusang-loob na may-likha at patnugot. Noong naitatag ko ang Wikipedia, gagawin ko sana itong isang kompanyang kumikinabang na may mga estandarteng pampatalastas, pero iba ang aking ginawa.

Mainam ang komersiyo. Hindi tiwali ang pagpapatalastas. Ngunit hindi ito nararapat dito. Hindi sa Wikipedia.

Natatangi ang Wikipedia. Ito'y katulad ng isang aklatan o isang pampublikong liwasan. Ito'y katulad ng isang templo para sa utak. Ito ay isang lugar na mapupuntahan natin para makapag-isip, matuto, magpamahagi ng ating kaalaman sa ibang tao. Ito ay kakaibang proyektong pantao, ang kauna-unahan sa kasaysayan. Ito ay isang proyektong makatao upang makapaghatid ng isang malayang ensiklopedya para sa bawa't isa sa planetang ito.

Bawa't isang tao.

Kung nagkaloob ng $5 ang lahat ng nagbasa nito ngayon, maaari nating tapusin ngayon ang ating paglalagom-puhunan (fundraiser). Ngunit hindi lahat ang makakapagkaloob o ayaw magkaloob. At mainam iyon. Bawa't taon sapat lang ang bilang ng mga taong nagdesisyong magbigay. Kapag naabot natin ang hangarin, hinihinto namin ang kampanya. Kami'y isang maliit na organisasyon, at sa paglipas ng panahon ako'y nagtrabaho nang husto upang mapanatiling mahagway at maigting ito. Tinutupad namin ang aming misyon, at iniiwan ang mga bagay na walang halaga sa iba.

Upang magawa natin ito na hindi kailangang magpatalastas, kailangan ka namin. Pinapanatili mong buhay ang hangarin ito. Ikaw ang lumikha ng Wikipedia. Ikaw ang naniniwala na kailangang magkaroon ng lugar ng matiwasay na pagiisip-isip at pag-aaral.

Sa taong ito, mangyaring magkaloob ng $5, €20, ¥1000 o anumang kaya mo para sa pagpapasanggalang at pagpapanatili ng Wikipedia.

Salamat,

Jimmy Wales

Tagapagtaguyod ng Wikipedia