Makatutulong sa iyo ang mga lingguhang buod ng Balitang Tech sa pagsusubaybay ng mga kamakailang pagbabago sa software na maaaring makaapekto sa iyo at iyong mga kapwang Wikimedista. Magsabskrayb, mag-ambag at magbigay ng komentaryo.
previous | 2020, week 32 (Monday 03 August 2020) | next |
Ang mga pinakabagong balitang tech mula sa pamayanang teknikal ng Wikimedia. Mangyaring sabihin ang mga pagbabagong ito sa mga ibang tagagamit. Hindi ka maaapektuhan ng lahat ng mga pagbabago. Mayroong mga pagsasalin.
Mga problema
- Nabigo ang lahat ng mga usisa sa Wikidata Query Service mula 17:50 hanggang 17:59 UTC noong Huwebes, ika-23 ng Hulyo. Nabigo nang mas mahabang panahon ang mga iilang usisa. [1]
- Mali ang pagkakaayos ng mga interlengguwaheng kawing sa mga nakaraang linggo. Nabanggit din ang problema ito noong Balitang Tech noong nakaraang dalawang linggo. Naayos na ang problemang ito. [2]
- Mayroong problema sa mga pandaigdigang nais para sa opsyong "Use Legacy Vector". Pinagsisikapan ng mga tagalinang ang pagsasaayos nito. [3]
- Ipinawalang-gana ng isang bug sa ekstensyon ng Wkibase ang mga "maglipat" at "lumikha" na uri ng proteksyon sa pangunahing (Galerya) namespace sas Wikimedia Commons. Hindi maidagdag ang mga bagong proteksyon, at hindi ipinatupad ang mga umiiral na proteksyon, na nagpahintulot sa mga iilang paglipat ng pahina at paglilikha na hindi dapat posibleng mangyari. Naisaayos na ito. [4]
Mga pagbabagong paparating sa linggong ito
- Gagawing mas simple at makabago ang bagong video player. Sa linggong ito, ang kasalukuyang tampok-beta ay magiging video player para sa lahat sa karamihan ng mga di-Wikipediang wiki. Tatanggalin ang lumang player. [5]
- Mabubuksan ang mga pahinang
global.js
andglobal.css
ng mga tagagamit sa pang-mobile na sayt. Maaaring basahin ang dokumentasyon para sa kung paanong mag-iwas ng paglalapat ng mga istilo sa pabalat pang-mobile. [6] - Sa pabalat ng MonoBook,
searchButton
na angsearchGoButton
na pakakakilanlan. Maaaring makaapekto ang mga CSS at JS na gadyet. Mahahanap ang mga panuto ng paglilipat sa T255953. Dati itong nabanggit sa ika-27 pagkalimbag. - Maaaring gamitin ng mga tagapangasiwa ng bot ang Pywikibot upang regular na magsinop ng mga talakayan. Binago ang pag-uugali kung kailan ginagamit ng bot ang
counter
upang iwasan ang mga malalaking sinupan. [7] - Magkakaroon ng bagong bersyon ng MediaWiki sa mga pansubok na wiki at MediaWiki.org simula sa 4 Agosto. Magkakaroon nito sa mga di-Wikipediang wiki at iilang Wikipedia simula sa 5 Agosto. Magkakaroon nito sa lahat ng mga wiki simula sa 6 Agosto (kalendaryo).
Inihanda ang balitang tech ng mga manunulat ng Balitang Tech at ipinaskil ng bot • Mag-ambag • Magsalinwika • Magpatulong • Magbigay ng komentaryo • Magsabskrayb o magkansela.