Estratehiya/Kilusang Wikimedia/2018-20/Transisyon/Usapang Pandaigdigan/Rap ni Kaarel

This page is a translated version of the page Strategy/Wikimedia movement/2018-20/Transition/Global Conversations/Kaarel's rap and the translation is 100% complete.

Binasa ang talumpating ito ni Kaarel Vaidla sa pagtatapos ng pandaigdigang pagpupulong noong Sabado, Nobyembre 21. Nailathala ito dito kasama ang kanyang pahintulot, sa pag-asang masaya itong isalin!

Video

Salamat sa pagsali sa usapang pang-globo,
Sa iyong pagbibigay ng priyoridad, nagpapasalamat ako,
Pagtalakay kung ano ang mahalaga para sa koordinasyong pang-globo,
Sinusuportahan nito ang ating kilusan sa estratehikong pagbabago,
Upang malaman natin kung ano ang sisimulan sa pagpapatupad nito,

Sa wiki, patuloy tayong mag-uusap ng sama-sama,
Mag-uulat pabalik sa online at pamahalaan ang pagsasama,
Ng katugunan sa heatmap at pagbibigay ng priyoridad na gawa,
Pagkatapos ng dalawang linggo, para sa kooperasyon, muling magkikita,
Isang pagpupulong konstelasyon sa Disyembre magsisimula,

Kung naging maayos ang pagpupulong ngayon para sa inspirasyon,
Nakalikha ng pagganyak at nadagdagan ang iyong dedikasyon,
Hinihiling ko na ikaw na ang bahala sa rehistrasyon,
Para sa Disyembre 5 at 6, ibabahagi naming ang impormasyon,
Sa susunod na Miyerkules - abangan ang imbitasyon!

Upang makapagbigay ng paglilinaw, uusad muli dito,
Ang tuon ng pag-uusap ay mapupunta sa pagbulto,
Sa kung papaano masiguro ang partisipasyong epektibo,
Sa kabuuan ng ating kilusan sa pagpapatupad na totoo,
Kailangan natin ng repleksyon, pagtatasa sa sarili, pagsusuri para dito,
Sa ating kakayahan at kasanayan at paglalaan ng rekurso,
Upang maingat na suportahan ang isang mas mahusay na pagbubuo,
Ng diskarte sa paggawa sa ating pang-araw-araw na trabaho,
Sa Pundasyon at sa lahat ng mga apilyado,
Kasama ang mga pamayanan sa nakabubuo na pagpupuno.

Nais kong ibahagi muli ang taos-pusong pagpapahalaga ko,
Sa inyong lahat na sumasali sa mga kapanapanabik na pag-uusap na ito!