Tipang Kasulatan ng Kilusan/Drafting Committee/Archived
The Tipang Kasulatan ng Kilusan ay ang nagpapahulugan sa mga kagampanan at pananagutan para sa kalahatang Kilusang Wikimedia. Ang ibinahaging ito ay ang magiging balangkas para sa mga gumagawa tungo sa Strategic Direction.
The Movement Charter Drafting Committee ay lilikha ng draft ng Tipang Kasulatan ng Kilusan. Ang nilalaman nito ay aalinsunod sa ipinapayo na “Equity in Decision-Making” sa Movement Strategy. Ang gawain ng komite ay aabot hanggang sa pagsusulat ng sinasabing draft. Kasama dito ay ang pagsisiyasat at pagpanayam sa mga pamayanan, sa mga dalubhasa, at sa mga kapisanan. Ang draft na ito ay kailangan na mapagtibay ng isang malawakang pagsangayon ng Kilusan bago ito maging Charter.
Ang pangkat na ito ay magkakaroon ng sigit-kumulang na 15 kasapi. Inaasahang ito ay kumakatawan ang mga pagkakaiba-iba sa Kilusan. Kabilang dito ay ang pagkakaiba-iba ng kasarian, wika, geograpiya, at karanasan. Binubuo ito ng pakikilahok sa mga proyekto, kaakibat, at Wikimedia Foundation. Para sa karagdagang detalye, sumangguni sa Drafting Committee matrice.
Ang kahusayan sa Inggles ay hindi kinakailangan upang maging kasapi. If kailangan man, ang pagsasalin at pagbibigay-linaw ay ibibigay. Ang mga kasapi ay makatatanggap ng tustos upang mapalitan ang kanilang mga nailuwal. Ito ay US$100 tuwing dalawang buwan.
Mga Pahabol
Mga Miyembro
Pansamantalang tala ng mga kasapi (ayon sa opisyal na pahayag, 2021-11-01):
Mga kinakailangan bilang Kagampan
Mga inaasahan sa mga Kasapi ay:
- Kumilos sa kapakanan ng buong Kilusan.
- Sumunod sa Strategic Direction at Mga pinapayo sa Movement Strategy.
- Sumunod sa Universal Code of Conduct.
- Kahandaang makapag-ukol ng sigit-kumulang na 5 oras kada linggo sa kahabaan ng isang taon. Ang mga oras na iyon ay maaring magkaiba-iba batay sa daloy ng gawain.
- Kahandaang dumalo at makilahok sa mga online meetings.
- Kakayahang makagawa ng mainam sa loob ng isang mapagsang-ayon at bukas na kapulungan.
- Maging handa na humirang at mag-"onboard" ng mga bagong kasapi ng komite kung may mga kasapi na umalis.
- Hindi napasa-ilalim sa anumang kasalukuyang sanksyon ng kahit anong proyekto ng Wikimedia o ng Wikimedia Foundation, kabilang ang "events ban".
- Magbahagi ng impormasyon sa Wikimedia Foundation ng kanyang pagkaka-kilanlan (identity). Ang mga kandidato sa katungkulan na ito ay dapat magbigay ng patunay ng kanyang pagkaka-kilanlan at patunay ng sapat na taon ng katandaan.[1] bilang isang kondisyon ng kandidatura. [2]
Mga katangian ng Kandidato
Naghahanap kami ng mga taong:
- Maalam kung paano magsulat nang may kasama. (ang karanasang maipapamalas ay karagdagan)
- Handang makahanap ng mga paraan upang makipagsunduan.
- May tuon sa pag-uugali at sa pagkakaiba-iba.
- May kakayahang makakita ng mga pagkukulang na kailangang ayusin.
- May kaalaman tungkol sa mga pamayanang panayam.
- May karanasan ng pakikipag-halubilo sa pagitan ng mga kultura.
- May kakayahan sa pamamahala o karanasan sa mga non-profit o pamayanan.
- May karanasang makipag-ugnayan sa iba't-ibang mga hanay.
Paliwanag: Hindi inaasahan na ang isang indibidwal ay may taglay ng lahat ng katangian.
Kami'y naghahanap ng mga katangiang babagay sa mga pagkukulang ng iba. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang Drafting Committee matrices.
Pamamaraan
- Ang komite ay inaasahang simulan nang may 15 katao.
- Kung may 20 o higit pang mga kandidato, ang pinagsamang mga pamamaraan sa paghalal at pagpili ay mangyayari.
- Kung may 19 o mas kaunting kandidato, ang paraan ng pagpili ay mangyayari nang walang halalan.
Ang higit pang mga detalye ng pamamaraan o proseso ay matatagpuan dito.
Halalan at pagpili
Kung nais mong basahin ang mga pahayag ng mga kandidato ng Drafting Committee, mag-click dito.
Ang mga Nomination para sa Movement Charter Drafting Committee ay isinara noong ika-14 ng Setyembre. Ang halalan ay isinagawa sa kalagitnaan ng Oktubre 12, 10:00 UTC hanggang Oktubre 24, 2021 (AoE).
The kinalabasan ng halalan at paraan ng paghirang ay inilathala noong ika-1 ng Nobyembre, 2021.
Mga ulat
- ↑ Ang legal na edad na naaangkop sa bansa/ estado/ kinaroroonan kung saan nakatira ang kasapi,
- ↑ Ang kopya ng isa sa mga sumusunod na kasulatan ay sapat na katunayan: driver's license, passport o anumang official documentation na nagsasaad ng tunay na pangalan at taon. Ito ay maaring ipadala sa Wikimedia Foundation via email ng secure-infowikimedia.org.
Paliwanag: Ukol sa mga nakalipas na nagawa na ng Drafting Group o Komite, mangyaring tumingin sa pitak na ito.