ESEAP Preparatory Council/Proposed theory of change/tl

This page is a translated version of the page ESEAP Preparatory Council/Proposed theory of change and the translation is 100% complete.

ESEAP Hub: Teorya ng pagbabago

Ang Preparatory Council ng ESEAP ay ipinakikita ang panukalang dokumento na Teorya ng Pagbabago (Theory of Change) — na gagabay sa ESEAP Hub sa ikinikilos natin at sa pagdudulog ng grant. Nais naming makatanggap ng mga puna mula sa pamayanan ukol dito sa Teorya ng Pagbabago — upang aming matapos ang mga kasulatan. Naiintindihan namin na may kanya-kanyang kahilingan ang lahat at aming isasa-alang-alang ang mga puna hangga't maari — kapag natapos namin ng dokumento.

Panahon ng pag-uusap: 18 Setyembre 2024 - 31 Oktubre 2024

Mga kaugnay na dokumento:

Ang suliranin na ating nilulutas ay ...

Ang suliranin na nilulutas ng ESEAP Hub ay ang kakulangan sa pag-access, ang pagsasakatawan at pagkakaisa ng mga pamayanan sa rehiyon — upang malayang magbahagi at makapagabot ng kaalaman, na humahadlang sa pagsasakatuparan sa kabuuan ng kaalaman ng sangkatauhan.

Ang pakay ng ESEAP Hub ay ang pagbigay nang kapangyarihan at paganahin ang mga pamayanan sa buong ESEAP na malayang makapagbahagi at makapag-access ng kaalaman.

Ang mga Layunin ay:

  1. Pagbawas ng mga kahadlangan sa komunikasyon dulot ng pagkakaiba-iba ng wika, time zone, kultura at distansya
  2. Pagpapalakas ng kakayahan ng pamayanan sa pamamagitan ng kaalaman, karanasan at pagbabahagi ng mga mapagkukunan.
  3. Pagbuo ng mapagkakatiwalaan, malinaw at patas na kasangkapan ng rehiyon sa pagsasagawa ng mga kapasyahan ng pamayanan (community decision making).
  4. Pagsulong ng representation of ESEAP sa pandaigdigang kilusan.
Mga input Mga pamamaraan Mga Mailalabas Mga Kinalabasan Epekto
Layunin: Ang kailangan natin upang maihatid ang ating mga ikinikilos. Ano ang mga pangunahing kilos na kailangan nating isagawa upang maabot ang layunin Paano natin susukatin ang unang tagumpay ng proyekto/inisyatiba? Paano natin makikita ang mga palatandaan na naging epektibo ang proyekto pagkatapos ng unang paglulunsad, atbp Ano ang sukdulang epekto sa diskarte ng gawaing nais nating makamit? Maging matapang at visionary!
Pakikipag-usap (pagsasalin) Mga tao
  • Mga tagapagsalin
  • Tagapangasiwa ng proyekto

Plano ng Komunikasyon para sa ESEAP Hub/region, na tutugon sa dalawang uri ng komunikasyon:

1) mga anunsyo ng paunawa at 2) impormasyon na nangangailangan ng puna (feedback) mula sa mga stakeholder

Bumuo ng Diskarte at Plano ng Komunikasyon na sumusuporta sa pagsasalin para sa maramihang mga wika sa lawak ng rehiyon.

Available ang mga pagsasalin sa Movement Strategy Forum (auto-translation) sa pamamagitan ng ESEAP Center forum, na sinusuportahan ng isang kawani.

Magbuo ng nakahimpil na pangkat ng Wikimedian na translation group (binabayaran?) para sa mga nilalaman na ipararating sa mga meta page o global.

Muling suriin ang mga nailingkod na pagsalin tuwing 6 na buwan at 1 taon.

Survey upang sukatin ang tagumpay ng mga naisalin bilang pagsuporta sa mga tao at sa pag-akit ng mga bagong kalahok.

Ang mga naisalin na ulat ay karagdagang kagamit-gamit — na 80% ng mga ulat ay naisalin sa 5-6 pangunahing mga wika ng ESEAP (naglalayon para sa 8 ESEAP na wika sa mahabang panahon).

Ang translation ay magagamit sa 10 mga pagpupulong ng pamayanang ESEAP sa loob ng isang 12-buwang panahon — na 80% ng mga sesyon ay nagbibigay ng mga interpretasyon. Gayundin, ESEAP community conference tuwing dalawang-taon at Summit tuwing dalawang-taon, na kapwa may mga pagsasalin.

Lumalagong aklatan ng kaalaman sa maraming wika.

Pagsasama ng mga wika sa paraan ng komunikasyon at mga mapagkukunan ng kaalaman, kung saan 80% ng mga napaglilingkuran ng Hub ay may dama na sila'y may higit na naaabot at may kahigitang lakas na makipagsanib.

Facilitation (x bilang ng mga shared/joint projects) ng cross-cultural collaboration at pagbibigayan, at pagpapalakas ng mga relasyon sa buong rehiyon.

Mga pamayanan na may kakayahang makagamit ng mga kasangkapan, kaalaman, at network na kailangan nila — sa mga wika nilang napili — kaya't bumuti ang kanilang kakayahang makapag-pasya nang mainam, lumutas nang mga suliranin, at makapag-himok nang pagbabago.

Karagdagang abot ng kaalaman (sa pamamagitan ng mga pagsasalin), na humahantong sa pinahusay na accessibility at pakikisama sa mga magkakaibang salita.

Mga pakikipag-usap (iba pa) Mga Tao
  • Mga Tagapagsalin
  • Tagapangasiwa ng proyekto

Ang Estratheyang Komunikasyon at Plano para sa ESEAP Hub/region.

Pangasiwaan at pag-aayos ng mga pagpupulong ng pamayanan ng ESEAP, mga oras ng tanggapan (office hours) ng Help Desk, ESEAP Conference kada-taon, mga pagpupulong sa pamayanan ng Hub, at mga maaring mga pagkikita, mga pang-rehiyon na paligsahan at pakikipagsosyo:
  1. Mga buwanang pagpulong ng pamayanan (10 sa isang taon)
  2. Ang ESEAP Conference o Strategy Summit ng ESEAP (1 sa isang taon)
  3. Lingguhang oras ng opisina ng Help Desk
  4. ESEAP Highlight Session (3 bawat taon)
  5. Mga pahayag ukol sa mga naka-kalendaryong buwanang aktibidad.

---Maaaring higit na mahabang termino sa Taon 2-3----

  1. Lokal na pagkikita sa ESEAP Boards. (2-3 sa isang taon?)
  2. Pagkikita-kita ng Sister Hubs (1-2 sa isang taon)
  3. Maglunsad ng isang panibagong kampanya sa rehiyon.
  4. Magbigay ng mga pabuya sa rehiyon para sa mga global campaign.
Pinalakas ang mga indibidwal na kabanata at kaanib, na may x% ng pamayanan na kasangkot sa buwanang pagpupulong, x% na pagdalo sa taunang kumperensya ng pamayanan, at x% ng mga pamayanan na nakadarama ng mentored/supported sa dahilan ng mga espasyo na ito.

Paglago ng mga pamayanan ng mga nakatuong nagkukusang-loob (volunteers) at nag-aambag (contributors) sa pamamagitan ng kaakibat/heyograpikong pangangatawan (affiliate/geographic representation) sa taunang kumperensya ng 5%.

(Sa unang taon) sukatin ng isang survey at feedback kung sinusuportahan ng mga pagpupulong at mga pagsasanay ang mga pamayanan na ma-access ang suportang pinansyal para sa mga pangunahing gastos sa pagpapatakbo/programa, sa paraang madali/hindi mabigat.

Ang mga pamayanang binigyan ng pahintulot, mga kaakibat at User Groups ay may mga mapagkukunan sa kanilang mga wikang napipilian, at kakayahang magdala ng positibong pagbabago at palakihin ang kanilang inaabot.

Ang mga pamayanan ay umaakit at nagpapalaki ng sarili nilang lokal na kasapian (membership), at pinapataas ang kanilang representasyon sa mga regional ESEAP meet-up at kumperensiya (conferences).

Pagpapalawak sa pakikipag-ugnayan sa buong rehiyon ng ESEAP, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, magkasanib na mga proyekto at mga pinagsasaluhang mapagkukunan.

Isang mapakisamang network na tumutugon at sumasalamin sa himok ng pamayanan, umaangkop sa pagbabago, tumutugon sa mga hamon, at sumusuporta sa magkakaibang pangangailangan ng mga users at contributors.

Pinalakas ang paguusap at pakikipag-ugnayan sa buong rehiyon ng ESEAP mula sa pagbabahagi ng kaalaman at mga proyekto.

Kakayahan ng pamayanan Mga pagkakataon sa pagsasanay at pag-aaral

Magtatag ng baseline ng kasalukuyang antas o katayuan ng mga sumusunod, na pagkatapos ay pumili ng dalawang pangunahing pook na pagtutuunan ng pansin sa unang taon:

  • Help desk
  • Pinagsasaluhang Human resource
  • Mentorship training
  • Technical support (hal., pag-uulat ng mga insidente sa teknolohiya, pag-aalaga sa teknolohiya)
  • Paglutas ng mga di-pagkakaunawaan
  • Mga proseso ng pagsasama ng kasulatan
  • Suporta para sa outreach at community extension services
Magbigay ng suporta sa pagbuo ng pamayanan sa pamamagitan ng Lingguhang “Help desk office hour” sa Inggles +1 o 2 mga ibang wika, na pinangasiwaan ng may bayad na kawani (at nag-uulat muli sa mga session na ito sa ESEAP Hub/Board) sa mga paksa kabilang ang: Tech, Grant writing, HR , Mentorship, Leadership, atbp.

Palakihin ang representasyon at pagkakaiba-iba ng pamayanan sa ESEAP Hub sa pamamagitan ng outreach at masigasig na humikayat sa mga komunidad na wala pang kaakibat.

Community Skill mapping sa rehiyon ng ESEAP sa pamamagitan ng pagsanib sa programa ng Capacity Exchange ng WMF at programang Let's Connect.

Tukuyin at ipunin ang mga pangunahing impormasyon sa isang libretto para sa mga bagong kasanib at mga User Group upang suportahan ang patuloy na pakikipag-ugnayan

Magbigay ng palatuntunan (Zoom o Google Meet?) upang suportahan ang mga karaniwang oras ng tanggapan (regular office hours), at/o pagsasanay gamit ang Wiki.Learn (o iba pang platform ng pagsasanay) na may x bilang ng mga tao mula sa rehiyon ng ESEAP na nakikibahagi.

Pahusayin ang kamalayan ng 10% (sinusukat sa isang survey) para sa pag-access ng suporta at pagpapalaki ng kapasidad (capacity building), kabilang ang mga pangunahing contact at kung saan makakahanap ng member resources.

X na bilang ng mga session upang bumuo ng mga kasanayan at kapasidad sa Grant writing, mentorship at suporta sa pamumuno na ibinibigay sa mga pamayanan, na may 10-20 tao sa bawat session.

Outreach sa x na bilang ng mga pamayanan na walang mga kaakibat upang suportahan ang paglago ng komunidad, pag-access sa mga grants at pakikilahok sa pagsasanay na may layuning makabuo ng isang bagong User Group.

Magbuo ng isang "Newbies handbook" para sa ESEAP Hub at rehiyon.

Lumakas na pakikipag-ugnayan sa pamayanan sa pamamagitan ng madalasang personal na suporta at mainam na suporta sa network.

Ang mga bihasang pinuno ng pamayanan ay epektibong gumagabay at sumusuporta sa mga lokal na pook at rehiyon ng ESEAP

Pagpapalawak ng network ng pamayanan na nagtataguyod ng paglago at pagkakaiba-iba, kabilang ang mga komunidad na kulang sa kumakatawan (anumang partikular na komunidad?)

Direktoryo ng ESEAP ng mga may hawak ng mga kasanayan at kaalaman na nagpapakita ng malawak na hanay ng mga kultura, wika at pinagmulan

Ang napapanatiling paglago ng komunidad sa pamamagitan ng pangmatagalang pagsisikap sa pagbuo ng pamayanan

Masigla at nabigyang lakas na 'di nasa-alang-alang (marginalized) na mga komunidad — sa pamamagitan ng lalong mataas na representasyon, pag-access sa mga mapagkukunan (resources) at pagkakataon (opportunities), at mas malakas na pagkakapantay-pantay ng kaalaman

Karagdagang pag-abot sa kaalaman bilang bunga ng mga inisyatiba ng outreach na pinangunahan ng pamayanan

Pagpapasya ng pamayanan Mga paraan sa paggawa ng kapasyahan

Pamamahala

Ang ESEAP Charter?

Magbigay ng transparency sa proseso ng paggawa ng desisyon ng Hub governance body, at gamitin ang meta bilang pangunahing paraan ng komunikasyon para sa mga kapasyahan at talakayan. Malinaw at nakaguhit na mga plano at timeline na may maliwanag na tinutukoy na mga channel, upang magkapag-bahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa mga desisyon/mensahe, gamit ang meta, sa hindi bababa sa 5-6 na target na wika sa ESEAP (naglalayon para sa 8 ESEAP na wika sa mahabang panahon).

Ang mga pamayanan ng ESEAP ay lalong may kaalaman sa mga kaparaanan (process) ng paggawa ng kapsayahan at pag-ulat (criteria, timelines at factors) at mayroong 5% na pagtaas sa mga ambag sa pamamagitan ng malinaw na tinukoy na mga proseso.

Mga mekanismo ng feedback kabilang ang mga survey, community conference workshop at on-wiki na talakayan — na may x% ng mga kasapi na tumutugon sa kanilang mga pananaw — sa mga pamamaraan na nagpapahintulot sa mga kasapi ng pamayanan na mag-ambag sa paggawa ng desisyon — sa pamamagitan ng naaangkop na mga platform o channel

Lumago na transparency sa mga proseso ng paggawa ng desisyon sa pamamahala, pagtaas ng tiwala at pananagutan.

Pagsasangkot ng pamayanan (Community involvement) at pakikipag-ugnayan sa proseso ng paggawa ng desisyon

Pinahusay na paggawa ng desisyon na may magkakaibang mga pananaw na nagbibigay-alam at humuhubog sa mga direksyon at desisyon

Pinahusay na pakikipag-ugnayan ng pamayanan sa mga proseso ng paggawa ng desisyon ng Hub (Hub’s decision-making processes), pagbuo ng tiwala at lakas ng loob ng pamayanang Hub

Maanyayang kultura ng pamamahala, na ang pinahahalagahan ay ang transparency, inclusion, open dialogue at pag-galang.

Epektibong pagpapatupad ng desisyon mula sa mas malaking suporta sa maanyaya at bukas na mga paraan ng paggawa ng kapasyahan (open decision-making processes).

Pagsusulong sa pangangatawan ng ESEAP Ang mga kasapi ng ESEAP na masiglang sumasanib sa mga katawan ng Global Movement.

WMF upang mapadali ang mga pagpapakilala, pakikipag-ugnay at networking para sa mga kasapi ng ESEAP sa isang pandaigdigang antas (networking for ESEAP members at a global level).

Pagsasalarawan ng pananaw ng ESEAP sa mas malawak na mga isyu na kritikal sa ating rehiyon (hal., representasyon ng minorya, internet access, mga usapin sa pamamahala ng data, atbp)

Pagtataguyod at representasyon ng ESEAP sa mga pandaigdigang talakayan, na kinikilala na ang mga time zone ay isang pangunahing pinagka-kadahilanan.

Pag-uugnay ng mga pangangailangan, hamon at pagkakataon ng rehiyon sa pandaigdigang antas

Ang WMF at iba pang mga kaakibat at mga inisyatiba, ay inaanyayahan na magtanghal at lumahok nang karaniwan sa mga kaganapan sa ESEAP.

Tumaas na pangangatawan ng mga kasaping ESEAP mula sa kasalukuyang 3% na pakikilahok — sa mga pandaigdigang forum at conference hanggang 10% (15% pangmatagalang panahon?).

Sa unang taon, tumaas ng 5% ang bilang ng mga pakikipag-ugnay at network sa pagitan ng ESEAP at iba pang mga kaakibat/user groups — mula sa buong daigdig upang palakasin ang epekto at abot ng mga usapin at inisyatiba ng ESEAP.

Pinalakas na tinig ng rehiyon na nagbibigay ng lalong mataas na pagkilala at pagpapamasdan ng rehiyong ESEAP sa mga pandaigdigang talakayan at paggawa ng kapasyahan.

Pagpapalitan ng kaalaman at kadalubhasaan sa mga lokal at panrehiyong talakayan, at mga pananaw para sa mga diskarte at pagtahak sa rehiyon.

Dumaming mga pagkakataon sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnay na maaaring makapaglakas sa mga mapagkukunan (resources) at suporta upang mapahusay ang mga inisyatiba ng ESEAP

Impluwensya at adbokasiya na lumilikha ng isang kapaligirang tumataguyod sa pangmatagalang ugnayan ng ESEAP sa Global Movement

Regional empowerment at sustainable active participation

Internasyonal na pakikipagtulungan at sama-samang pagkilos na nagsusulong sa kapwa ESEAP at bukas na pag-abot ng kaalaman

Mga pagpapalagay:

  • Ang pakikipagtulungan at sama-samang pagsisikap ay nagpapahusay sa pagbabahagi ng kaalaman
  • Pinapadali at sinusuportahan ng mga digital na platform ang pagpapalaganap ng kaalaman
  • Naaakit ang mga tao sa mga naililingkod ng ESEAP Hub at sila'y may oras upang abutin ang mga ito
  • Ang pagtanggap sa mga naililingkod ng ESEAP Hub ay hahantong sa higit na pakikipaglahok at pagbibigay ng kapangyarihan

Iba pa:

  • Regional Needs Survey at mid-term (6 na buwan?) at katapusan (12 na buwan?)
    • Budget ukol sa paglalakbay upang makipag-usap nang harapan sa mga kaakibat na kawani, o makapagdala ng mga kaakibat na kawani sa isang pook para sa pakikipag-usap. - WMID, WMTW, WMAU, atbp
    • Budget ukol sa pananaliksik upang magtatag ng mga baseline, pag-scan sa kapaligiran at kasalukuyang mga priyoridad