Wikimedia Philippines/tl
WIKIMEDIA PILIPINAS
Maligayang pagdating sa Wikimedia Pilipinas, isang sangay ng Pundasyong Wikimedia na maglilingkod sa Pilipinas at sa mga pamayanan ng mga Pilipino sa ibang bansa. Alinsunod sa aming mga layon at adhikain, inaasahan naming isulong at ipagtanggol ang layunin ng malayang midya at nilalaman sa Pilipinas, pati na ang nilalamang ginawa ng mga Pilipino sa ibang bansa.
Kasaysayan
editItatatag ang Wikimedia Pilipinas sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Pilipinas bilang isang samahang walang sapi at walang kita na nakatala sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan (SEC) sa ilalim ng pangalang Wikimedia Philippines Inc..
Ang kabatiran ng Wikimedia Pilipinas ay nalikha noong Mayo 20, 2007 sa unang impormal na pagpupulong ng mga Wikipedistang Pilipino sa SM Megamall sa Sentro ng Ortigas, Lungsod ng Mandaluyong. Bagaman, unang iminungkahi ang Wikimedia Pilipinas bilang isang kooperatiba noong Setyembre 13, 2006, pero ito ay humantong sa pagiging korporasyon na lamang noong Pebrero 11, 2007.
Kalagayan
editPagkatapos maging sangay na sinang-ayunan ng Pundasyong Wikimedia (kasama ang tagubilin ng Komite ng mga Sangay) noong Marso 12, 2010. Pinirmahan ang Artikulo ng Ingkorporasyon at mga Tuntunin ng mga ingkorporador noong Marso 28, 2010 at iniharap ang mga dokumenton sa Komisyon ng Paseguro at Palitan ng Pilipinas noong Abril 8, 2010.
Pinagtibay ng Komisyon ng Paseguro at Palitan ang Katibayan ng Ingkorporasyon ng Wikimedia Pilipinas noong Abril 12, 2010 at pinirmahan ni Benito A. Cataran, Tagapangsiwa ng Kagarawan ng Pagtatala at Pagbabantay ng Kompanya na may Blg. ng Rehistro ng Kompanya na CN201005637. Inilabas ng Komisyon ang katibayan noong Abril 16, 2010 sa tanggapan nito sa Lungsod ng Mandaluyong, Kalakhang Maynila.
Pagkalahok
editSumali na ngayon sa Wikimedia Pilipinas...sa tatlong madaling hakbang:
- Magpadala ng e-liham sa membership wikimedia.org.ph o punan muna ang pormularyong ito.
- Hintayin ang pagsang-ayon ng iyong pagsapi mula sa mga Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia Pilipinas.
- Bayaran ang kaukulang bayad.
Kahit hindi ka isang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, maaari kang lumahok o sumapi!
Sa kasalukuyan, may 24 na kasapi na tayo!
Maaari ka rin na tumala bilang isang kasapi tuwing may pagtitipon sa Pilipinas, mga pangyayari sa Wikimedia Pilipinas, taunang kumbensyon, o sa mga pagpupulong minsan sa tatlong buwan ng Wikimedia Pilipinas.
Magtatagpuan din ang kumpletong paraan ng kung paano maging kasapi sa lumang talaan ng mga kalahok.
Tulungan ang Wikimedia Pilipinas
editKahit hindi ka kasapi ng Wikimedia Pilipinas, maaari kang tumulong sa amin na isulong ang mga proyekto ng Pundasyong Wikimedia at malaya, bukas na nilalaman.
Ito ang ilan sa mga bagay na maaari mong maiambag:
- Pag-usapan ang uri ng proyekto ang isasagawa ng Wikimedia Pilipinas:
- Organisasyon ng korporasyon
- Pagsulong ng mga proyektong Wikimedia sa loob ng silid-aralan
- Pagtatag ng mga proyekto ng Wikimedia sa ibang mga wika sa Pilipinas:
- Mga wikang umiiral:
- Mga wikang iminumungkahi:
- Koordinasyon ng mga pagpupulong
- Sumali o maging boluntaryo sa isang proyekto
- Magkaloob!
Mga kawing
edit- Baby Wikimedia Philippines site
- Tambayan Philippines (Filipino wiki authors) talk in creating Wikimedia Philippines
- Draft Article of Incorporation