Wiki Advocates Philippines User Group

This page is a translated version of the page Wiki Advocates Philippines User Group and the translation is 100% complete.

Wiki Advocates Philippines User Group Kami ay isang komunidad ng mga volunteer na Wikimedian mula sa Pilipinas na nagtataguyod ng malayang kaalaman sa pamamagitan ng mga iba't-ibang proyekto ng Wikimedia; nagtataguyod ng paggamit ng mga proyekto na ito para sa edukasyon at sa pagtataguyod sa pantay na representasyon sa kasarian ngunit hindi lamang para rito. Pagbigay-kapangyarihan at kakayahan sa mga pamayanan sa pamamagitan ng pagsulong ng mga proyekto, pagsuporta sa pagtaguyod ng pandaigdigang karapatang pantao at pagho-host ng mga kampanya na nagtataguyod sa ekosistema ng malayang kaalaman.

Wiki Advocates Philippines User Group
Legal statusNon-stock; non-profit
Founding date10 Agosto 2023
Approval date6 Pebrero 2023
Main officePasacao, Camarines Sur
Membership20 regular na miyembro, 10 associate members
Staff4, 2 interns
Volunteers87 community volunteers
Official language(s)Central Bikol
Other language(s)Tagalog, English
Chairman of the BoardBianca Brazal
Key peopleMga nagtatag

Mga incorporator

Board Members 2024-2025

Incorporation paperRegistration Certificate
BudgetUSD 67,653.38 for FY 2023-2024
ReportsLink to Reports
AffiliationsESEAP
Phone number(054) 811-4302
Websitehttps://wikiadvocatesph.org/
E-mail addressadmin@wikiadvocatesph.org
TwitterWikiAdvocatesPH
FacebookWikiAdvocatesPH
Mailing addressZone 4 San Cirilo, Pasacao, Camarines Sur, Philippines, 4417

Mga Layunin

  • Pagbutihin ang Bikol Wiktionary sa pamamagitan ng sunod-sunod na mga edit-a-thon at mga aktibidad sa pagpreserba ng wika tulad ng pag-aaral ng ortograpiya, pagdaragdag ng bokabularyo, at pagre-record ng pagbigkas sa pamamagitan ng Lingua Libre at ang application na Spell4Wiki.
  • Pagbutihin ang nilalaman ng Central Bikol Wikiquote at Tagalog Wikiquote sa pamamagitan ng pagsali sa mga kampanyang tulad ng SheSaid at Art and Feminism, at mga programang tulad ng Hatch-A-Wiki.

Mga partikular na layunin

Mga pagkikita-kita. Mag-oorganisa ng mga pagkikita-kita ang grupo para sa mga miyembro nito upang makipagpalitan ng mga ideya at humanap ng mga paraan upang suportahan sila na ipagpatuloy ang kanilang pag-edit sa mga proyekto sa mga lugar kung saan kailangan nila ng tulong.

Mga Translate-a-thon. Tutulungan ng grupo ang mga bagong Wikimedian na matutunan ang pamamaraan ng page-edit, pagsasalin at pagpapabuti ng nilalaman sa mga proyekto ng Wikimedia gamit ang content translation tool.

Mga pagsasanay. Mangangasiwa ang grupo ng mga pagsasanay na online at offline tungkol sa pamamaraan upang makapag-ambag nang epektibo sa mga iba't ibang proyekto ng Wikimedia at kung paano lumahok sa mga iba't ibang kampanyang pandaigdig.

Pagbabahagi ng mapagkukunan. Bubuo ang grupo ng mga open-access material na tungkol sa pag-access ng mga iba't ibang proyektong Wiki at gagawa ng isang offline Wikipedia na angkop para sa mga komunidad sa Pilipinas at ibabahagi ito sa mga malalayong komunidad dito sa bansa.

Community Office Hours. Mangangasiwa ang grupo ng mga online tutorial, mga pag-uusap, mga session ng Q&A, at Wikiprojects on-boarding para sa mga baguhang Wikimedian na may karanasan o kahit sino na may interes sa bukas na kaalaman at mga proyektong nakabase sa Wikimedia.

Mga Proyekto



Suportahan ang aming komunidad


Maging isang tagapagtaguyod




Annual Reports

Meet-Ups

December 3, 2023
December 2, 2023
November 4, 2023
September 30, 2023

Learn More

Activities, Campaigns & Events
Board of Directors
Capacity Building
Funded Grants & Community Impact
News & Resources