!!FUZZY!!Tipang Kasulatan ng Kilusan
Ang Movement Charter o Tipang Kasulatan ay isang iminumungkahing katibayan, upang tukuyin ang mga katungkulan at pananagutan ng kalahatang mga kasapi at katauhan ng Wikimedia movement; kabilang nito ang pagbubuo ng isang bagong Pandaigdigang Konseho (Global Council) na magpapalakad nito.
Ang Tipang Kasulatan ng Kilusan (Movement Charter) ay ipinapauna (priority), ayon sa Movement Strategy o Pamamaraang Kilusan.
Patungkol
Ang panukalang ulat sa Movement Strategy na "Ensure Equity in Decision-making" ay ikikilos ng Tipang Kasulatan (Movement Charter) upang:
- Ilapat ang mga pinagkakahalagaan, paninindigan at mga patakaran para sa pagkakaugnay ng Kilusan, kasama ang mga katungkulan at pananagutan ng isang Pandaigdigang Konseho; kasama din ang mga rehiyonal (regional) at pampakay (thematic) na mga Saniban (Hubs), gayundin ang mga samahang mataguyod na at yoong mga hindi pa, at mga pulong na nagpapasya (decision-making bodies).
- Magtakda ng mga patakaran at pamantayan ukol sa mga pagpapasya at pamamaraan ng Kilusang Wikimedia, na pinagkakatiwalaan ng lahat ng mga kasanib nito. Mga halimbawa nito::
- Pagpapanatili ng isang palugig na kapaligiran sa pagtutulungan,
- Pagtiyak ng mga kinikita ng Kilusan at ang kanyang pamamahagi
- Pagbigay ng isang pangkalahatang hakbangin, ukol sa paglalaan ng mga materyal at yaman, na may katumbas na pananagutan.
- Pagsaad kung paanong ang mga pamayanan (communities) ay maaring makipagtulungan sa isa't isa; na maylikas ang pananagutan.
- Pagtatakda ng mga inaasahan sa pakikipag-lahok, at ang mga karapatan ng mga kalahok.
Taning na Panahon
Ito ay isang "dynamic timeline" o taning na maaring may ipagbago. Bagamat ito ay pinapakita ang mga kinakailangang hakbang sa pagbubuo ng Tipang Kasulatan (Movement Charter), "ang mga petsa ay maaring mabago". Ano mang pagbabago ay maaaring gawin upang maiwasan ang pagmamadali ng proseso, lalo na't kapag may pagtatalakay sa mga pamayanan (communities) at mga kalipi (stakeholders); sapagkat itoý mahirap ihinto kung may takdang panahon.
Haba ng Panahon | Hakbang |
---|---|
Nobyembre 2021―Enero 2022 | Pagbubuo ng mga sistemang pang-suporta at mga panloob na proseso ng Drafting Group
Pagsasaliksik at pagtitipon ng mga nalaman |
Pebrero 2022―Oktubre 2022 | Pagsaliksik at pagtipon ng mga nalaman
Paglikha ng unang "draft" ng Charter dulot ng pakikipag-usap sa lahat ng mga kasanib (stakeholders) |
Nobyembre 2022 | Ang unang pahatid ng mga kabanatang "draft" ng mga sumusunod: Pambungad (Preamble); Mga Kaugalian at Paninindigan (Values & Principles); at Katungkulan at Pananagutan (Roles & Responsibilities statement of intent) na dapat ay ilathala |
Nobyembre 2022―Enero 2023 | Community consultation tungkol sa unang batch na draft ng mga kabanata ng Tipang Kasulatan (Movement Charter) |
Pebrero 2023―Marso 2023 | Pagninilay-nilay sa mga katugunan at pagretoke sa unang hatid (batch) ng draft ng mga kabanata (draft chapters) |
Abril 2023 | Pagdulog sa Pamayanan hinggil sa Movement Charter ratification methodology proposal |
Abril 2023―Hulyo 2023 | Pagsususulat ng pangalawang hatid ng mga draft na kabanata ng Movement Charter |
Hulyo 2023 | Pangalawang hatid ng mga Movement Charter draft chapters (Hubs, Global Council, Roles & Responsibilities at Glossary) na dapat ay mailimbag |
Hulyo 2023―Setyembre 2023 | Pakikipag-panayam (Community consultation) sa pamayanan tungkol sa pangalawang hatid (second batch) ng mga draft na kabanata (chapters) ng Tipang Kasulatan ng Kilusan (Movement Charter) |
Setyembre 2023―Disyembre 2023 | Mga konsultasyon ng MCDC sa mga lokal na kaganapan |
Nobyembre 2023―Marso 2024 | Pagbalik-suri at ikalawang pag-ulit sa pagbalangkas ng buong Movement Charter |
2 Abril 2023 | Unang kaanyuaan ng pambuong Charter ay inilathala |
Abril 2024 | Sangguni sa Pamayanan ukol sa kabuboang balangkas ng charter |
Mayo 2024―Hunyo 2024 | Pagtatapos ng kabuboang charter text batay sa katugonan ng pamayanan. Paghahanda ng halalan sa pagpapatibay ng Tipang Kasulatan ng Kilusan (Movement Charter) |
10 Hunyo 2024 | Publication of the final version of the Movement Charter text |
25 Hunyo 2024―9 Hulyo 2024 | Halalang pagpapatibay para sa Tipang Kasulatan (Movement Charter) |