Fundraising 2007/Fundraising FAQ - translation/tl
- Kailan nagsimula ang pangalap-pondo?
Oktubre 22, 2007.
- Kailan magtatapos ang pangalap-pondo?
Disyembre 22, 2007.
- Ano ang aking magagawa upang maikalat ang salita?
Ikalat mo ang salita sa alin mang paraang kaya mo! Sabihan ang iyong mga kaibigan at kamag-anakan. Lagyan ng mga buton and bandera ang iyong blog. Gamitin ang tekstong ito bilang lagda sa ilalim ng iyong mga e-liham: Pinapanatiling natakbo ng iyong tuluy-tuloy na kaloob ang Wikipedia! Suportahan ang Wikimedia Foundation ngayon: http://donate.wikimedia.org
- Paano ako magkakaloob? (hl., anu-anong pamamaraan, anu-anong pananalapi, atbp.)
Upang magkaloob, paki dalaw ang http://donate.wikimedia.org. Maari kang magkaloob sa paggamit ng alin mang malaking kard na pautang (kasama na roon ang VISA, Mastercard, Discover or American Express), PayPal, Moneybookers, tahasang pagdiposito sa aming panagutang pambangkong Belgo, o sa pagpapadala ng isang tseke sa Foundation. Maari kang magpadala ng mga tseke sa alin mang pananalaping nagugustuhan mo, at ang iba pa naming pagpipiliang pangkaloob ay sumusuporta rin ng mararaming (pero hindi lahat) pananalapi.
- Saan ako makapagpapadala ng mga tseke?
Magpadala ng mga tseke sa Wikimedia Foundation, Inc., P.O. Box 919227, Orlando, FL 32891-9227, Estados Unidos.
- Mababawasan ba ng buwis ang aking mga kaloob?
Ang mga kaloob ay mababawasan ng buwis sa Estados Unidos lamang. Maaari ring bawasan ng mga mamamayang Kanadano ang kanilang mga ambag na naipon sa Estados Unidos.
- Kung magbibigay-kaloob ako, paano ko makukuha ang resibong pambuwis ko?
Awtomatikong makakatanggap ng isang resibong pambuwis ang kahit sino mang nagkaloob ng $100 o mas marami pa hanggang nakalakip ang kanilang pangkaalamang pampakikipag-alam sa kaloob. Maaari kang humiling ng isang resibong pambuwis para sa mga mas maliliit na halaga sa pagpapadala ng isang e-liham sa donate@wikimedia.org. Paki tiyak ang iyong pangkaalamang pampakikipag-alam at sabihin sa amin ang pamamaraang ginamit mo sa pakikiloob, at ang halaga ng iyong kaloob.
- Paano na kung hindi ako nasa Estados Unidos?
Maaari kang humiling ng isang resibong pambuwis; pero, ang mga kaloob ay nababawasan lamang sa loob ng Estados Unidos.
- Kung magpapadala ako sa inyo ng isang malaking kaloob, makakakuha ba ako ng alin mang natatangi?
Oo. Sa taong ito, makakakuha ng pansariling panteleponong tawag ang mga taong magkakaloob ng sa pagitan ng USD 10,000 at 24,999 mula kay Jimmy Wales, ang tagapagtaguyod ng Wikipedia. (Kailangan mong ilakip ang iyong numerong pantelepono sa iyong kaloob.) Hahandugan ng isang hapunan ang mga taong nagkaloob ng USD 25,000 o higit pa kasama ni Jimmy.
- Maaari ba akong magbigay ng isang nakaturo o nakatakdang kaloob -- nangangahulugang: maaari ba akong magbigay sa inyo ng pera upang gumawa ng isang napaka tiyak na bagay at hindi maaring magamit sa mga iba pang pakay?
Kinakailangang igalang ng mga kawang-gawang nakabase sa Estados Unidos -- katulad ng Wikimedia Foundation -- ang mga takda ng mga mangangaloob. Nangangahulugan iyong kapag tiniyak mo ang iyong kaloob na ito ay kailangang nakatakda sa isang tiyak na gamit, aming gagalangin ang iyong hiling o ibabalik ang iyong kaloob. Pero bago ka magpasiyang gawin iyon, isipin munang mas makabuluhan sa amin ang mga walang takdang kaloob. Sa bilis ng pagbabago ng mga proyekto ng Wikimedia, kinakailangan ng Wikimedia ang mga walang takdang kaloob upang manatiling aktibo.
- Anu-anong halaga ang aking maaaring ikaloob?
Maaari kang magkaloob ng alin mang halagang ginugusto mo. Nagtakda kami ng ilang pagpipilian para sa iyo (USD 200, 100, 60 at 40) upang ipakita sa iyo ang uri ng lagpak mayroon ang bawat halagang dolyar. Ngunit magkaroong-malay na maliban na lamang kung titiyakin mo, ilalagay ang iyong mga kaloob, maging ano pa man ang halaga, sa pangkalahatang kaban at hindi ito nakatakda para sa mga tiyak na paggamit.
- Kung hindi ko kayang magkaloob, o ayaw ko, anu-ano pa ang magagawa ko upang maitaguyod ang Foundation?
Mararami ang mga paraan upang ipakita ang iyong pagsuporta, at ang iyong panahon ay kasing importante ng isang salaping kaloob. Maaari mong turuan ang isang kaibigang magbago ng Wikipedia. Ikarga ang ilan sa iyong mga retrato sa Mga Pangkaraniwan sa ilalim ng lisensyang malayang nilalaman. O ihandog ang pag-ibig sa pagtatala ng isang retrato sa "Bakit mo mahal ang Wikipedia" na grupong Flickr.
- Ano ang puntiryang panalapi ng pangalap-pondo ng taong ito?
Hindi pa kami namamahayag ng isang tiyak na puntiryang panalapi sa taong ito. Ngunit sasabihin namin sa iyo ang halaga ng perang aming naipon.
- Bakit hindi pa kayo namamahayag ng isang puntirya?
Nagkaroon kami ng usapang panloob kung mamamahayag kami ng isang puntirya, at maraming naimungkahing mga mabubuting katuwiran na sumusuporta sa mga iba-ibang panig. Sa huli, pinagpasiyahan naming huwag na lamang. Pero ginusto naming subukang tuntunin ang mga ilang tao na nag-ambag ng mga kaloob, kaysa sa rami ng dolyar na kinaloob. Nagmumukha itong mas makabuluhan sa diwa ng mga proyekto.
- Kung wala kayong puntiryang panalapi, paano niyo sinusukat ang tagumpay?
Sa taong ito, mayroon kaming bagong sinusubukan. Kami ay nagbubunyi na 96% ng pinanggagastusan ng Foundation ay nagmumula sa mga sari-sariling kaloob, at karamihan doon ay maliliit lamang. (Ang natitira ay mula sa kakaunti at maliliit na dagdag na pinanggagalingang panalapi, kasama na ang mga tinda ng buhay na mga feed, ng t-shirt, at mga katulad na bagay.) Sinasabi nito sa ating naninilbi kami ng mga mararaming iba-ibang tao. Sa taong ito, sa unang pagkakataon, tutuntunin namin ang tagumpay ng pangalap-pondo hindi sa rami ng kinaloob na dolyar, kundi sa rami ng mga taong nagkaloob. Iniisip naming ito talaga ang diwa ng mga proyekto, at ng mga nakikipagtulungang aral ng mga iyon.
- Ano ang balak niyong gawin sa pera?
Una, kailangan namin ng pera upang panatiliing buhay ang aming proyekto: upang makapagbayad sa mga serbidor, bandwidth, pantanggapang pook at iba pang panganga-ilangan. Ikalawa, gusto naming magpokus ng mas maraming pansin sa pagpapabuting pamprograma, lalo na sa mga pamayanang hindi masyadong nakakatawan sa mga proyekto, ilan doon ay mayroon kakaunti o walang daan sa mga kayamanang pangkaalaman. Halimbawa: sa kaagahan ng Nobyembre, magkakaroon kami ng maraming Akademyang Wikipedia sa Timog Aprika, sa pag-asa ng pagpaparami ng mga Wikipedistang mag-aambag sa mga wikang Aprikano. Inaasahan naming gumawa ng marami pang ganitong uri ng kawang-gawa. Ang aming panggastos para sa 2007-08 ay USD 4.6M. Maaari mong makita kung paano ito magagastos sa aming pahinang pangkalahatang-tingin sa panggastos.
- Ano ang Akademyang Wikipedia?
Ang mga Akademya ay mga pampublikong pangyayari na ginawa upang anyayahang magsulat ang mga tao para sa Wikipedia. Karaniwang naka-alay ang mga ito sa isang paksa (hl., matematika), o isang tiyak na wika, karaniwang ang maliit at nasa panganib. Sinimulan ang mga ito noong 2005 ni Frank Schulenburg ng Alemang Wikipedia.
- Paano tinutulungang suportahan ng Wikipedia ang pagkakaiba-ibang wika?
Isa ang Wikipedia sa ilang pinanggagalingan ng sangguniang makukuha sa mga wika katulad ng Maori (isang Silanganing Polynesong wikang binibigkas sa New Zealand), Swahili (isang wikang Bantung ginagamit sa pang-ibabang Sahara ng Aprika), Pang-itaas na Sorbo (isang wikang Islabikong binibigkas sa silanganing Alemanya), and Basko (binibigkas sa gitnang-hilagang Espanya at timog-kanlurang Pransya).
- Paano nakakatulong ang Wikipedia sa mga bansang naunlad?
Ginagamit ng mga programang pangkaalaman ang aming nilalaman sa mga bansang naunlad sa mga paraang kamangha-mangha. Makukuha sa buong mundo sa mga DVD at aklat ang aming kasangkapan, at nakalakip sa mga mumurahing laptop sa pamamagitan ng proyektong One Laptop Per Child.
- Saan ako makakahanap ng mga bunga ng pinakabagong suri?
Natakbo na ang 2007 suri. Inaasahan naming matapos ito sa katapusan ng Nobyembre. Ilalagay namin ang panuring ulit sa websayt ng Wikimedia Foundation sa oras na matapos ito.
- Saan ko matatagpuan ang Form 990?
Ang pinakabagong Form 990 ay para sa taong pangkaban na magtatapos sa Hunyo 30, 2006, at matatagpuan dito. Ilalagay ang Form 990 para sa huling taong pangkaban, 2006-07, sa websayt ng Foundation kapag natapos ang 2006-07 suri.
- Mayroon bang tumutugmang kaloob ngayong taon – kung ganoon, paano tatakbo ang mga ito?
Oo. Palagian naman, isang paunawang panlunan ang ilalagay sa tuktok ng bawat pahinang pamproyekto sa mga araw na itutugma ang mga kaloob. Aalisin ang paunawa sa websayt sa katapusan ng araw, sa oras na makamit ang pinuntiryang halaga.
- Paano iniingganyo sa publiko ang pangalap-pondo?
Iniingganyo namin ang pangalap pondo sa mga iba-ibang maraming paraan. Una, naglalagay kami ng isang bandera sa tuktok ng bawat pahina, sa lahat ng mga proyekto. Ikalawa, naglalabas kami ng mga paunawang pampubliko sa mga medya sa buong mundo, at gagawa ng mga pangmedyang pakikipanayam sina Jimmy Wales at Florence Devouard. Ikatlo, nakiki-usap kami sa mga kasaping pampamayanan upang iingganyo ang pangalap-pondo sa iba-ibang paraan sa kanilang mga kaibigan at kamag-anakan.
- Saan ko matatagpuan ang video ni Jimmy Wales?
Makukuha ang video na ito sa http://wikimediafoundation.org/donate/2007/psa/.
- Kung nagkamali ako sa aking kaloob, ano ang aking magagawa?
Kung naikaloob mo ang maling halaga o gumawa ng iba pang pagkakamali, mangyaring magpadala ng isang e-liham na nagpapaliwanag ng pangyayari sa donate@wikimedia.org. Paki tiyak na ilagay ang lahat ng iyong pangkaalamang pangpakiki-ugnayan, at lahat ng iyong naaalala sa prosesong pangkaloob (hl., halaga, paraang ginamit, atbp.).
- Ano ang pambilang sa tuktok ng banderang pampaunawa sa websayt?
Ikinakatawan ng pambilang na iyon ang dami ng lahat ng kaloob na nakalap sa pangalap-pondo. Sa taong ito, tinutunton at iniingganyo namin ang dami ng lahat kaloob hindi ang dami ng dolyar na kinaloob. Iniisip naming ito ay mas totoo sa pakikisapiang, boluntaryong tumatakbong kalikasan ng mga proyekto.
- Saan nagmumula ang mga sipi sa tuktok ng mga paunawa sa websayt?
Iyon ay mga totoong sipi mula sa mga totoong manggagamit ng mga proyekto. Inilagay namin ang mga ito sa paunawa sa websayt upang ipakita na mga totoong tao ang gumagamit at nalulugudan sa mga proyekto, at upang mabigyan sila ng tinig na nagsasabi sa amin kung bakit.
- Nasaan ang inyong patakarang pampaglilihim ng mga mangangaloob?
Nandito ang Patakarang Pampaglilihim ng mga Mangangaloob.