Diskarte sa Mga Kaakibat ng Wikimedia Foundation/FAQ

This page is a translated version of the page Wikimedia Foundation Affiliates Strategy/FAQ and the translation is 100% complete.
Wikimedia Foundation Affiliates Strategy

Ano ang mga kaakibat ng kilusang Wikimedia? Ano ang Affiliations Committee?

Ang mga kaakibat ng kilusang Wikimedia ay mga "malaya at pormal na kinikilala" na mga pangkat ng mga tao na lumalayon na magbuo at makisali sa mga kaganapan upang makapagbigay-tulong at makapag-ambag sa kilusang Wikimedia. Sa kasalukuyan, mayroong tatlong gumagana na modelo para sa mga kaakibat: mga chapter, mga thematic organisation, at mga user group. Ang Affiliations Committee (AffCom) ay nagbibigay-payo at nagtatagubilin ukol sa pagkilala at pagpapatunay ng Wikimedia movement affiliates.

Paano isinasaayos ngayon sa Wikimedia Foundation ang gawain patungkol sa mga kaakibat?

Sa ngayon, ang mga pamamaraan ay pira-piraso sa iba't ibang mga pangkat sa Wikimedia Foundation, at ang ilang paggawa ng kapasyahan tungkol sa mga kaakibat ay nangyayari sa iba't ibang mga antas. Ang isang mapag-isa at pantay na pamamaraan ay kapaki-pakinabang sa lahat ng dako, kaya naumpisahang gawin ang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy.

Ano ang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy? Ito ba ay isang update ng ilang umiiral na kasulatan o isang bagay na panibago?

Hanggang ngayon ay walang isang pinagkakatuwirang pananaw tungkol sa kung paano dapat mangyari ang gawain sa paligid ng mga kaakibat (affiliates), dahil walang nakatalaga mula pa na diskarte ukol sa mga kaakibat na binuo. Ang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy ay magiging isang blueprint na agarang gagabay sa gawain ng Foundation patungkol sa mga kaakibat. Ang diskarte na ito ay isasaayos upang makapagbigay-alam at gumabay sa budget at tulong ng Wikimedia Foundation sa mga kaakibat, hanggang sa makabuo ng isang uri ng Movement-wide Affiliates Strategy.

Bakit natin kailangan ng isang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy?

Ang mga Kaakibat ay isang mahalagang bahagi ng kilusang Wikimedia tulad ng nakabanggit sa kinakatuparan (mission) ng Wikimedia Foundation, at ang kanilang tagumpay ay mahalaga sa tagumpay ng buong Kilusang Wikimedia. Habang ang ecosystem ng mga kaakibat ay lumalaki at nagiging masalimuot, lalong nagiging mahalaga na masuri ang mga kasalukuyang diskarte at matiyak na ang pagtuon ng pansin ay wasto. Ang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy ay makakatulong upang palakasin at isulong ang gawain ng mga kaakibat. Isasaalang-alang ng Wikimedia Foundation Affiliates Strategy ang mga panukala sa Wikimedia 2030 Movement Strategy.

Tutuonin ng Diskarte ang pagtingin ng Foundation sa mga pangangailangan ng mga kaakibat at tuonan ang mapagkukunan ng mga kinakailangan ng mga kaanib.

Ang kapasyahan ba na magbuo ng Wikimedia Foundation Affiliates Strategy ay makakabago sa katungkulan ng AffCom?

Walang magiging agaran na pagbabago sa gampanin ng AffCom, na patuloy na isinasagawa ang kanyang katungkulan. Gayunpaman, ang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy ay ang huhugis sa mga darating na araw, ukol sa gawain ng Wikimedia Foundation sa pagtulong sa mga kaakibat, na maaaring makabago sa katungkulan at saklaw ng AffCom.

Bakit maantala ang halalan ng AffCom?

Ayon sa kaugalian, ang AffCom ay may mga halalan nang hindi bababa sa isang ulit bawat taon upang pumili (hindi maghalal) at humirang ng mga kasapi na maglilingkod sa AffCom sa loob ng dalawang taon. Sa taong ito, hindi gaganapin ang mga halalan ng AffCom. Sa halip, ang mga halalan ay maaantala dahil ang AffCom ay isang pangunahing sangunian para sa Board sa pagbuo ng Wikimedia Foundation Affiliates Strategy, at ang pagdaragdag ng kabigatan sa pagpili at pag-onboard ng mga bagong kasapi ay magpapahirap sa komite at magpapahirap para sa kanyang karaniwang ginagawang tungkulin, pati na rin sa pakikipagtulungan sa diskarte. Kung ang bilang ng mga humahalal na kasapi ay magkulang sa lima (ayon sa AffCom Charter), may halalan pa din na gaganapin.

Ang Movement Charter ba ay magkakaroon din ng "Affiliates Strategy" at/o makakapagtukoy ng mga gampanin sa mga kaakibat?

Habang makatwirang maaasahan na ang Movement Charter ay magkakaroon ng mga panukala ukol sa mga kaakibat at sa kanilang pagkilala, at ang ilan sa mga pananagutan na ito ay maaaring ilipat sa Global Council kapag ito ay nabuo, sa kasalukuyan ay hindi pa alam kung paano ito mangyayari, at ito ay magdadala lamang ng mga kahihinatnan sa mga darating na taon. Ayon dito, ito ay gawaing karapat-dapat ngayon upang ang mga nakalaan na mapagkukuhanan ay mabigyan ng kinakailangang lakas at nang makapagbuti ito sa kasalukuyang kilusan ng Wikimedia at sa kaganapang ecosystem ng mga kaakibat.

Hinihingan ba ang AffCom na magpanukala ng isang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy?

Hindi, ang AffCom ay hindi inaasahan na magpanukala ng isang Wikimedia Foundation Affiliates Strategy. Ang AffCom ay inaanyayahan ng Board na makipagtulungan at magbigay ng dalubhasang pananaw. Habang ang Affiliations Committee ay isang komite na nagbibigay-payo sa Board, ang Board ang siyang may pananagutan sa diskarteng ito at ang mangunguna sa mga pakikipag-usap sa pamayanan at mga kaakibat nito.

Ano ang timeline para sa proyektong ito?

Ang nilalayon ay upang magkaroon ng isang balangkas ng Wikimedia Foundation Affiliates Strategy para sa pagsangayun ng Board sa Wikimania 2023 (Agosto 2023).